CHAPTER 12: PAINFUL MEMORIES

10 3 0
                                    

Wala na akong  pakialam sa mga taong nakatingin sakin ngayon o mga naririnig man lang sa mga taong nakakasalubong ko.

Basta ang alam kolang nasasaktan ako.

Pinaghalong Sakit At Galit.

Ano bang ginawa ko kay dominic para gawin nya ang mga ginawa nito ngayon.

Hindi naman ako naging possessive na girlfriend o selosa man lang. Hindi ko rin hiningi ang buong oras nya dahil alam ko kung saan ako lulugar sa ngayon dahil pareho pa kaming nag aaral.
Iniintindi ko sya sa loob ng isang taong relasyon namin.

Pero bakit ngayon sobrang nasasaktan ako.
Ano bang ginawa kong mali?

Napakadaming tanong na nasa utak ko ngayon.Pero ayokong malaman lahat dahil ayokong madagdagn ang sakit na nararamdaman ko.

Iniisip ko kanina kung ano bang gagawin ko kapag nalaman ko lahat.

Ngayon eto ako't parang tanga na naglalakad at hindi alam kung saan pupunta.

Para akong batang kinuhanan ng  napakahalagang  gamit. Na matagal kong iniingatan.

Umupo ako sa isang bench na nakita ko. Tulala parin ako ng may maramdaman akong pumapatak sa pisngi ko.

Hanggang sa lumakas ang patak nayon. Napatingin ako sa langit.
Napakadilim pala.

Bakit pati ang langit nakikisama  sa  nararamdaman ko ngayon.

Habang bumubuhos ang ulan..
Ibinuhos ko na rin ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Napahagulhol ako sa iyak.

“why domi?why? Anong  Nagawa kong Mali para saktan mo ko ng ganito ”umiiyak na sabi ko.

Ipinatong ko ang ulo ko tuhod ko.
At wala akong pake kung sino mang makakakita sakin.
Basta ang alam kolang sa mga sandaling ito. Ilabas lahat ng sama ng loob ko.

“huhuhuhuhu ang sakit. Sobrang sakit ng ginawa mo pero bakit mahal padin kita" umiiyak na bulong ko.

Napatigil lang ako sa pag iyak ng maramdaman kong parang tumigil ang ulan.

Dahan dahan akong tumingin sa baba at nakita ko lang ay sapatos.
Kaya umangat ang tingin ko sa may-ari ng sapatos na yun.

At nakita ko Si Reggie

May dala itong  payong na nakaharang sa malakas na ulan.

Nakatingin ito sakin ng may pang- unawa.

“mas gusto kong nakikita yung tamy na nakangiti hindi yung babaeng nakikita ko ngayon..” huminga ito ng malalim.. “ Naalala mo yung sinabi ko sayo kanina tungkol sa coin. Pinili mong masaktan tamy..”
malungkot na sabi nito.

Tumayo ako sabay yapos kay reggie.
Dito ako umiyak ng umiyak. Nabitiwan nito ang hawak nitong payong kaya basa na kami pareho sa lakas ng ulan.

“reggie huhuhu ang sakit huhuhu. Ang sakit sakit huhuhu..”
Gumanti ito ng yakap sabay haplos sa buhok ko.

“Iiyak mo lang yan tamy. Iiyak mo lang”
bulong nito sa tenga ko habang hinahaplos ang buhok ko.

Ganun lang posisyon naming dalawa.
Nakayakap lang ako sa kanya habang inilalabas ang sama ng loob ko.

At nakayakap din to sakin para aluin ako.

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon