Chapter 41 Revelation: Unknown (Special Character)

13 3 0
                                    


'D-debbie.."

Ngumiti ito ng nakakaloko na nagpakilabot sa buong pagkatao ko.
Isa iyon sa katangian na meron sya na kayang alisin ang lakas sa bawat himaymay ng pagkatao mo.

Tinulak ang pinto para makapasok sya.

"Ang ganda ng bahay mo ah!
Ito ba ang napundar mo sa anim na taong pagmomodel.."
tanong nito na wala pading kaemo- emosyon tinitingnan ang buong bahay..

Napasunod ako dito.

"A-anong ginagawa mo dito.." Kinakabahang tanong ko..

Lumingon ito sakin na biglang nawala ang ngiti ..

"Alam mo kung bakit ako nandito.."
seryosong sagot nito.

Nanlamig ang buong katawan ko..
Ang aura nyang yun
Ang kinakatakutan sa Japan..

"W-wala dito a-ang hinahanap mo.."
sabi ko na nakayuko..

"Wag mo Kong gawing tanga Aliyah!
Hindi ako naging isang Vegilante kung hindi ko alam na nag sisinungaling ka.."
seryosong sabi nito..
"Hindi mo na ako mapapaikot sa nagbabalat kayo mong pagkatao Nasaan si Blair.."

Pinilit Kong maging matapang.

Sinalubong ko nagbabagang tingin ang tingin nya.

"Hindi mo sya makukuha sakin!
Kailangan ko pa sya"
nagtatapang-tapangan na sagot ko.

Nakita ko itong ngumiti Na lalong nagpakilabot sakin.
Sa ganda nyang taglay.
Walang makakapagsabing may tinatago syang katauhan na mas gugustuhin mo pang hindi makilala.

Umupo ito sa sofa.
Habang ang nakangiti itong nakatingin sakin.

"Aliyah!Aliyah!Aliyah.
Akala mo ba hindi ko alam na ngayon mo lang sya nakuha. Alam ko lahat lahat.
Na iba ang umampon sa kanya. Minahal sya na parang tunay na anak na hindi mo magawa" Kitang kita ko kung paano nawala ang ngiti nya..
"Sumira ka sa usapan!
Kaya nandito ako para kunin sya.."
tumayo na ito.
Para pumunta sa taas.
Pero pinigilan ko sya..

"Please wag mo munang kukunin si marcky Kaila-"
Namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal nya.

Nalasahan ko ang dugo na nasa labi ko.

Dahan dahan akong tumingin dito.

Na pinagsisihan ko.
Dahil nakita ko ang galit sa mata nya.

"Ibinigay ko sayo si Blair sa pag aakalang ituturing mo syang parang tunay mong anak!
Dahil magiging ina kana diba
Pero nagkamali ako mas naging mabuting ina si Tamara kesa sayo!Wala kang kwentang tao..."
galit na sabi nito..
"You have two option Aliyah. Ibibigay mo sakin si Blair o Ang ama ni Blair ang papatay sayo.."

Namutla ako dahil sa sinabi nya.

"Hindi po kayo ang tunay ko mama?"

Napatingin kami kay marcky na Nasa baba.

Lumapit ako dito.

'Hindi!
Mali ka.
Ako ang mommy mo.."
pagsisinungaling ko..

Kita ko kung paano nagbago ang expression ni marcky.

"BAD KA.."
galit na sigaw ni marcky sabay tulak sakin.

Napaupo ako.

"MARCKY" Sigaw ko.

Nakita Kong naunang lumabas sakin si Debbie.
Kaya humabol ako.

Pero hindi namin inaasahan ang sumunod na nangyari.

"MARCKY.."sigaw ko.

"Shit.."
Sabi ni Debbie na tumakbo kung saan tumilapon si marcky sa lakas ng pagkakabangga sa kanya.

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon