Chapter 13- Without Him In My Life

8 3 0
                                    

"I love her okay. I love Kimmy! Bakit kaba galit na galit dyan ha"galit na tanong Ni Kuya tyron Kay Kuya tomy.

Kita ko ang pagtatagis ng bagang ni kuya tomy.

"Dahil ayoko syang mapasama sa listahan mo tyron. Kilala kitang babaero at ayokong masaktan dyan dahil sayo"

"Kaya kong magbago para sa kanya Tomy. At sa tingin mo? sayo siyq bagay. Dream on"sabi Ni Kuya tyron.

Natigilan naman si Kuya Tomy dahil sa sinabi nito.

Nagkatinginan naman kami Ni reggie dahil sa tagpong naabutan naming dalawa.

"Okay I admit. I love Kimmy at hindi ako papayag na sa sarili kong kapatid ang makakapanakit sa kanya" seryosong sabi Ni Kuya Tomy.
"Kaya kong makihati sa lahat tyron. Pero pag si Kimmy na ang pinag uusapan hindi ako papay- "

Boogsh.

Napatakbo kami pareho Ni reggie ng suntukin Ni Kuya tyron si kuya tomy. Mabilis naman itong gumanti si Kuya tomy ng suntok. Kaya nagpangbuno na ang dalawa.

"KUYA TAMA NA"

Napatigil sa pagbubugbugan ang dalawa at napatingin ang mga ito sa akin.

Lumapit ako at pinaglayo ang dalawa.

"Ano bang problema nyong dalawa ha? Dahil lang sa isang babae Nagkakaganyan kayo.."
Pagalit na tanong ko.

Dinuro Ni kuya tyron si Kuya Tomy na masama padin ang tingin dito habang hawak ang dumudugong labi nito.

"Yang si Tomy ang pagsabihan mo tamara.Kung makaasta akala mo kung sinong santo."

Susugudin sana ito ulit Ni Kuya Tomy nang hinarang ko ang sarili ko sa pagitan nila.

"STOP IT KUYA TOMY! PUMASOK KANA SA KWARTO MO NOW.."
Seryosong sabi ko.

Pumiksi si Kuya tomy sa hawak Ni reggie bago ito pumasok..

Nang makapasok si Kuya.
Hinarap ko naman si Kuya tyron.

"Kuya ano bang problema nyong dalawa ha! Dahil lang sa isang babae ganyan na kayong mag away. At sa tingin nyo solusyon ang pagsusuntukan nyo.."
Sita ko dito.

"Pwede ba tamara?Wag kang umasta na parang alam mo lahat.Sarili mo ngang problema di mo masolusyonan. Tapos ang galing mong makialam sa problema ng iba" inis na sabi nito bago ako tinalikuran.

Natahimik ako sa sinabi Ni kuya tyron.

Tama sya.
Sarili ko ngang problema di ko magawang solusyonan..

Tapos pakikialaman ko sila.

"Tamy"

Napatingin ako Kay Reggie.

Ngumiti ako dito ng alanganin.

"Aahh Pasensya kana dun ha.." sabi ko nalang.

"Okay lang Sige na Uwi na ako Pahinga kana ha. You look pale.."
Nag-aalalang sabi nito.

"Opo at salamat sa paghatid ha."

Nginitian ako nito bago ako tinalikuran.

Ng makalabas na si reggie.
Napabuntong-hininga nalang ako.

Ano bang nangyayare sa buhay ko.

---

Pagkatapos ng tagpong naabutan namin ni reggie sa pagitan ng kambal kong kapatid.

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon