Chapter 27:Options

5 3 0
                                    

Tamara POV

Sumama ako ng maayos sa mga pulis dahil gusto kong ipakita Kay Aliyah na kaya ko syang labanan.

Nandito ako ngayon sa isang investigation room at may kasama akong isang pulis na magtatanong sakin.

Tumingin ito sakin.

“Sinasabi ni Aliyah Sandoval na kinidnap mo ang anak nya. Totoo ba yon?”
tanong nito.

“hindi”

“Paano napunta sayo ang bata..”

“ibinigay sakin ni dominic ang anak  ko six years ago.”
sagot ko.

Napatingin lang sito sakin ng seryoso at ako naman naka focus lang sa kanya.

Nakikipagtitigan din ako at hindi man lang ako nagpakita ng kahit anong takot.

“ paano kayo nagkakilala ng ama ng bata naging ano mo sya?”
Tanong uliy nito.

Tumingin ako sa mata ng pulis ng diretso bago sumagot.

“ kaibigan nya ako kaya ako lang ang pinagkatiwalaan nya..”

“kaibigan lang ba..”

“kailangan ko pa bang sagutin yan??
it’s personal..” seryosong sagot ko.

Tumingin ito sa papel na hawak bago sya nagsalita.

“kung six years ago.. nasa iyo na ang bata menor de edad kapa tama?”

“hindi porket minor pako noon hindi ko na sya kayang alagaan napalaki ko sya ng maayos sir..”

Tumingin ito sakin.

“huling tanong may katibayan kaba na nagpapatunay na sayo sya lumaki? birthcertificate or something in orphan..”

“Yes nasa akin lahat ng document nya dahil I legally adopted marcky when I was 19..”

Tumayo na ito habang hawak ang dala nitong papel.

“antayin mo nalang dito ang abogado mo hindi ka pwedeng umalis habang hindi mo pa nakakaharap ang nagsampa ng kaso sayo..”
sabi nito bago umalis.

Napabuntong-hininga ako ng makalabas sya.

Ilang minuto pa akong naghintay bago  ako napatingin ng bumukas ang pinto kung saan lumabas ang pulis kanina.

Napatayo ako ng makita ko si attorney fuentabella.

“Attorney anong gagawin ko para hindi makuha ang anak ko..” nag- aalalang tanong ko dito.

“tamara may problema tayo…” sabi nito nang makaupo sa harapan ko habang may tinitingnan sa papel.. “Walang bisa ang adoption papers mo. oo meron kang sariling business pinapakita dito na kaya mo syang buhayin pero hindi ka kasal hindi pwedeng mag adopt ang isang taong hindi pa kasala tamara.”

“what? attorney
legal kong inampon si marcky noon!
may katibayan akong pinayagan ako ng korte..”
nakanunot noo kong sabi ko.

“oo nandun na tayo pero tamara nagdemand ang tunay na magulang may laban sila.”

Napatuwid ako ng upo ng marinig ko yun..

“pero you have two options tamara..”
Napatingin ako dito..

“ano yon?..”

“give the child to the biological mother or get married as soon as possible and you become legally adopt marcky..”

Natahimik ako sa sinabi ni attorney.

Napasabunot ako sa buhok ng madinig ko yon.

Bakit napaka komplikado ng options nya.

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon