CHAPTER 21

2.1M 39.1K 7.6K
                                    

CHAPTER 21

NANG MAGISING si Raine kinabukasan, wala na sa tabi niya si Tyron. Akala niya bumalik lang ito sa kuwarto nito, pero hanggang sa gumabi na hindi pa rin niya nakita ang binata kaya naman nilapitan niya si tita Marian na abala sa paghahanda ng hapunan nila. "Tita?"

Nakangiti ang ginang na bumaling sa kanya. "Yes, hija?"

Nag-aalangan siya na magtanong pero kailangan niyang malaman kung nasaan si Tyron. Kailangan nilang mag-usap. "N-Nasaan po si Tyron?"

Tita Marian eyes lit up like a newly installed Christmas lights. "Oh, si Tyron? Hinatid niya si Careen sa Manila. Kaninang madaling-araw sila umalis."

A lightning of pain struck her heart, burning it and turning it into ashes. Magkasama na naman sila ni Careen? Pero sabi ni Tyron hiwalay na sila noon pa? Nagsisinungaling lang ba ito sa kanya?

Nagbaba siya ng tingin para itago ang panunubig ng mga mata niya. "Ganoon po ba? Sige po. Salamat." Tumalikod na siya at nagtungo sa silid niya.

Nang makapasok sa kuwarto niya, kaagad niyang inayos ang nga gamit niya. Pagkalipas ng isang oras, ng tapos na siyang magligpit, naupo siya sa gilid ng kama at inalala niya ang pinagsaluhan nila ni Tyron kagabi. It felt as though it only happened a minute ago. She could still his touch and how he pleasured her in more ways than she could imagine.

Sa halip na malungkot sa kuwarto niya, napag-desisyunan niyang pumunta sa harden. Pero ng makalabas siya sa silid niya, napatigil siya sa paglalakad ng makita na medyo nakaawang ang pinto sa silid ni Tyron.

She had never been in his room, which swiftly sparked curiosity.

Itinulak niya pabukas ang pinto at pumasok sa silid nito. Hindi niya napigilan ang sarili na mahiga sa kama nito. God! It smelled like Tyron. Sana umuwi ito ngayon. Bukas, aalis na sila at may posibilidad na hindi na niya ito makita. Kahit hindi siya nito mahal, gusto niyang sabihin dito ang nararamdaman niya bago siya umalis.

Tumagilid siya ng higa at inamoy ang unan. It smelled like him. God. She would miss him when she gets home. Makikita ko pa kaya siya? Iyon ang katanungan na paulit-ulit na tinatanong ng puso at isip niya.

Ipinikit niya ang mga mata.

Pagkakuwan, naramdaman niyang may yumogyog sa katawan niya. Nang idilat niya ang kanyang mga mata, doon niya palang napagtanto na nakatulog siya at ginigising siya ng ina niya.

"Mom?" Kinusot niya ang nga mata. "Anong ginagawa niya rito?"

Her mother smiled. "Mag-aagahan na tayo."

Napamulagat siya. "Ano? Diba maghahapunan—"

Napailing-iling ang ina niya. "You sleep through the night, sweetie. Hindi ka namin ginising kasi ang himbing ng tulog mo habang yakap ang unan ni Tyron."

Nag-iwas siya ng tingin ng mabanggit ang pangalan ng binata na bumabaliw sa puso at isip niya.

Bumangon siya at bumaba sa kama. "Magri-ready na po ako. Kailangan before lunch nasa Airport na tayo." Aniya at sinuklay ang buhok gamit ang kamay niya. "Ala una ang flight natin—"

"Sweetie, we could stay if you want," her mom cut off her.

Pilit siyang ngumiti. "We have to go, mom. Kailangan natin asikasuhin ang insurance ni daddy." Yo'n lang at lumabas siya ng silid ni Tyron at pumasok sa loob ng kuwarto niya para maghanda sa pag-alis nila.

TWELVE NOON. Hindi mapakali si Tyron habang nakatingin sa entrance ng airport. He kept on pacing back and forth. Shit! Wala pa si Raine. Nasaan na kaya 'yon?

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon