CHAPTER 16:PEN

363 22 0
                                    

Narrator's PoV

Ilang minuto na ang nakalipas pero di parin natapos ang puzzle na kailangan gawin para makuha ang compass dahilan para mapagod  ang tatlong dalaga

"Maybe there's another way"saad ni Liana at akmang maglakad pero agad siyang hinila ni Avry dahilan para matumba silang dalawa

Napatingin si Avry sa bandang sapatos nila na kunting kunti nalang at lalagpas na sa yellow line, naghahabol hiningang tumayo si Avry kasunod si liana

"If you want to stay alive, don't go beyond the line"seryosong saad ni avry

Napatitig si Liana kay avry at sa yellow line, di niya mapigilang magtaka kung bakit ganun

Napailing na lamang siya ng wala sa oras at tumingin sa puzzle na kanina pa nila hinahanapan ng paraan

Umismid siya at agad na lumapit dito,huminga siya ng malalim at tumingin dito, apat na kahon ang kailangan na magkatabi pero di nila magawa dahil sa mga bilog na kahoy ang sumisingit

"Alam niyo na aasar na ako, ang dapat gawin dito sirain!"gigil na saad ni Liana at pwersahang sinira ang box na nakadikit sa pader kung saan naroon ang puzzle

Napangiwi ng wala sa oras si Avry at mabilisang pinigilan si Liana napatigil silang dalawa ng tumunog ang relo ni Crish

"Guess outside is in fun"sarkastiko niyang sambit sabay tingin sa likuran niya

Nagbuntong hininga na lamang si Avry habang si Liana na sinapak ang puzzle dahil sa inis ilang sandali pa nabasag ang salamin na nakakulong sa compass

Nagtataka silang lumapit dito, napatawa ng marahan si Crish tas marahan na suminghap

"Sapak lang pala katapat bwesit!"saad ni Crish kaya napatawa na rin si Liana agad na kinuha nila ang compass at nilagay sa bag

Mabilisan silang umalis sa lugar para kunin ang huling gamit na hihiramin

Nangunguna si Avry sa paglalakad nakarating sila sa napakalawak na silid tanging BALLPEN lang ang nasa gitna nakapatong sa isang pabilog na mesa at nakalagay sa isang maitim na box at nakakulong sa makapal na salamin

"Ako na kukuha"usal ni Crish pero agad namang hinarang ni Avry ang kamay niya kaya napataaas ng kilay si Crish

"Ako na" sagot naman ni Avry na kinairap ni Crish, nagpumilit na lumakad si crish pero naka harang pa rin ang kamay ni Avry

Masamang nakatingin si Liana sa pinagagawa ng dalawa, nagtitigan ng matiim si Avry at Crish na para bang hindi magkasundo

"Ako na kasi"

"You stay kasi ako kukuha"

"Ako"

"Ako"

Sagutan ng dalawa dahilan para mainis si Liana kaya walang paalam siyang naunang naglakad at nilagpasan ang dalawa na nag aaway pa rin kong sino ang kukuha

Ilang sandali pa napatigil sila ng nakarinig ng mga kaloskos sa paligid biglang umilaw ang paligid ilang sandali pa bumungad sa kanila ang mga taong naka suot ng kulay itim habang may suot ng masakara

SEVEN UNIVERSITYWhere stories live. Discover now