Chapter 26:Mentor

343 19 0
                                    

Avry's POV

Playing dirty games again allegiance? Tsk tsk how long? How long would you continue this game?

"San dadalhin ng demonyong yun ang pinsan ko?" Tanong ni Crish kay Liford na nakatingin sakin

Nag iwas lang ako ng tingin at dumapo ito kay Queen R na may masamang tingin kay Loxile

"Let's go, marami pang nakasulat sa listahan di kawalan ang isa." Saad ni Queen at nag simulang humakbang pero ilang sandali pa tumigil siya at Humarap kay Liford

"Maniningil ako." Malamig na saad niya at tumingin kay Crish bago umalis na agad namang sumunod si Loxile

"Ford!" Inis na saad ni Crish

Nabaling ang tingin niya kay Crish at marahan na nag kibit balikat

They are fighting just for Lianna how great

"Avry kailangan nating mag usap" saad ni Liford kaya napakunot ang noo ko habang si Crish na bahagyang tumaas ang kilay

Selos na naman to for sure

Tumalikod siya kaya napatingin ako kay Crish na masamang tumingin sakin

Makatitig parang di ako kaibigan ah

"Lesgo Crish" natatawang saad ni Max sabay Akbay nito at mas hinigpit ang pag kakahawak sa balikat ni Crish

"Max!" Seryosong saad ni Liford kaya napatawa na lamang si Max at marahan na tumingin sakin

"Don't worry i won't kill her" saad nito

Tumingin ako kay Crish na nakatitig sakin, napailing na lamang ako at marahan na nag lakad para sundan si Liford

Gabi na at dahil judgement time maririnig sa paligid  ang mga nakakapanindig na balhibong tunog

"Anong pag uusapan?" Tanong ko kay Liford ng makasabay ako sa pag lalakad

As always palaging ganito ang itsura niya pag seryoso ang paguusapan

"Bakit ka nga ulit tumanggi bilang mapabilang sa allegiance?" Seryoso niyang Tanong

Bahagya akong napatigil dahil binabalik na naman niya ang ganung kalagayan

"Kung yan ang pag uusapan i better go" saad ko at akmang mag iba ng daan pero agad siyang humawak sa mga braso ko

Seryoso siyang tumingin sakin na may bahid ng pag alala na tila ba nag susumamong sasabihin ko ang dahilan

"It's because i don't want to" tipid na saad ko sabay iwas ng tingin

Marahan siyang tumango at binitawan ang pagkakahawak sakin

"Yung pagtanggi bilang maging isa sa mataas na opisyal ng triters?" Tanong niya

SEVEN UNIVERSITYWhere stories live. Discover now