Chapter 31:Collaboration

348 20 0
                                    

Rain's POV

Medyo nahihilo ako habang nilibot ang tingin deep inside napahinga ako ng maluwag dahil buhay pa ako

Nang bumalik sa normal ang paningin ko marahan akong bumangon pero di natuloy dahil sa isang mautoridad na boses ang narinig ko

"Subukan mong bumangon at talagang lulumpuin kita" saad nito kaya pabagsak akong bumalik sa pagkakahiga

Tingnan ko lang siya habang naka upo sa upuan na katabi ng kama ko

"What happened?" Tanong ko sabay hawak ng ulo ko dahil medyo may kirot

Right hinampas pala ako ng matigas na bagay pero bakit kanina di ko naramdaman

Ano yun late reaction?

Ramdam ko ang benda sa ulo ko kaya wala sa oras akong napanguso

"Ilang oras akong tulog" Tanong ko sa kanya na tahimik lang habang nakatitig sakin

"Tatlo" tipid na saad niya habang di pa rin maalis ang titig sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay

Ilang sandali pa tumayo siya at tumalikod

"Nakakasawa ka din palang titigan, diyan kana, subukan mong bumangon matitikman mo ang bagsik ko" saad niya at iniwan akong napanganga sa sinambit niya

Sinabi ko bang titigan moko!!!?

"Natikman ko na matagal na" pahabol na saad ko

Naalala ko tuloy yung paglalatigo niya sakin and until now pinaparusahan pa din ako sa mga paghihipgit niya like WTF!

Napatingin ako sa kisame habang inalala ang nakita ko sa stockroom

Parang may mali sa kontrata na nakita ko

August 02,2019??

Date na nakalagay sa papel na para kay Crish, how come? Sabay kaming pumasok and it's not 2019

Last year pa yun

Things are more getting complicated and i don't know what tp believe.

Napasulyap ako sa pinto ng bumukas ito at bumungad sakin si Niro nag tama ang mga mata namin ng ilang sandali akma siyang tatalikod kaya napasinghap na lamang ako

"Niro! Sandali" tawag ko

"Sandali lang naman!! Di ako pweding bumangon kaya wag mokong iwan!!" Sigaw ko

Ilang Segundo ang nakalipas walang pumasok kaya napabuga na lamang ako ng hangin

Agad sumilaay ang ngiti sa labi ko ng makita siyang bumalik at pumasok sa loob

"Tss" wala sa sarili niyang saad habang nakasoksok ang kamay sa bulsa

Batt ang kyuttt moooooooo!!

"Feeling better?" Tanong niya

Nakangiti akong tumango na kinasinghap niya, bat ba ang sungit nito sakin?

SEVEN UNIVERSITYWhere stories live. Discover now