Chapter 53:Who knows?

303 17 0
                                    

Max POV

Umalis si Liana na umiiyak Habang si Enrico na tila nabubulag na dahil sa galit maski mapasok sa utak niya na sundan si Liana wala

Napakuyom ang kamao ko ng masangkot pa si Roxelle sa kaganapang ito

"Hayop ka!!! Asan na siya!!?" Singhal ni Enrico habang hawak hawak ang kwelyo nito

Napatingin si Frost sakin at nag senyas na umalis na ako baka mag ka gulo pa kami ni Enrico pero umiling lang ako

Kaya kong kontrolin ang emosyon ko di kagaya ng kumag nato na di kayang mag pigil

"Better ask Diely or Amz or Liana" nakangisi nitong saad

Bumagsak ulit si Niko ng sinuntok siya ni Enrico lamog na ang katawan niya at sa lakas ng suntok ni Enrico panigurado nanlabo na ang paningin niya

"Bilang na ang Araw mo Niro Guevara" malamig na sambit niya at marahan na nag lakad pa alis

Agad akong sumunod sa kanya dahil kong totoo mang buhay si Roxelle hinding hindi ko na hahayaan na mawala ulit siya sakin

"Enrico!" Sigaw ko sa kanya

Tumigil siya sa pag lalakad at matalim na tumitig sakin

"If you're trying to stop me it won't work." Sambit niya napaismid ako tinumbasan ang titig niya

Alam kong wala akong laban sayo pero kong si Roxelle na ang pag uusapan handa kong itaya ang lahat

"Hindi mo ba naintindihan kung Anong gustong mangyari ni niko? Pwede ba kumalma ka muna at wag pairalin ang galit!" Asik ko sa kanya

Ang lintek na yun talagang walang magawa sa buhay kundi ang mang gulo sa may buhay

"He's trying to ruin our friendship dude!! Kaya pwede ba!! Huminahon ka muna" saad ko sa kanya

Bahagya naman siyang napatigil sabay iwas ng tingin

"Max is right" rinig naming saad ni Liford na kakasunod lang samin kasama si Frost

Alam nila na kahit di ko sabihin mahalaga para sakin si Roxelle and knowing na buhay pa siya di ko sasayangin ang pagkakataon

Tumingin si Enrico sakin ng seryoso

"Paunahan Max. Kung sino unang makakita kay Roxelle sa kanya na. Walang samaan ng loob" sambit nito at umalis

Putang ina!!

Napabuga ng malalim na hininga ang dalawa sa sinaad ni Enrico at lalo na ako

Kailangan pa bang idaan sa paligsahan Enrico?

"Siguro kailangan mong mahanap ng maaga si Roxelle before enrico finds her" saad ni Frost

SEVEN UNIVERSITYOnde histórias criam vida. Descubra agora