Crish POV
Nakahiga ako sa kama ko habang inalala ang nangyari kanina
Malalim na ang gabi pero di pa rin ako makatulog, anong pinaplano nila kay Liana
Hinatid pa ako Ni Max at Lifford dito sa dorm. di ko na nga natanong kung anong pinag usapan nila ni Avry pero sigurado akong seryosong usapin yun
Napatayo ako ng makarinig ng katok sa pinto
"Crish" rinig kong tawag ni Avry kaya binuksan ko at agad siyang pinapasok
Di pa tapos ang judgement time di man kami isa sa mga huhusgahan pero madami pa din ang nagbabalak na pahirapan kami
"Oh gabi na judgement time pa" saad ko sabay upo sa Couch
Umis mid lang siya at walang pasabi na humiga sa sahig kaya nanlaki ang mata ko
"Hoy!!" Asik ko
Deritso ang tingin niya sa kisame at pansin ko ang pagiging miserable niya
"Kasali ako sa tournament" malungkot na pag kakasabi niya
Bahagya akong napatigil dahil sa sinambit niya nabasa ko ito sa isang libro
Seven university had this game once a year at talaga namang madami ang masasayang na buhay sa mga oras nato
"Magaling ka naman kaya mo yan" pag cheer ko sa kanya habang nakangiti pa
Tumingin siya sakin na para bang hindi alam kung ano ang gagawin niya
"Si Liana din" saad niya
Parang nasabugan ng dinamita ang tainga ko dahil sa narinig galing sa kanya
Kaya pala ganun nalang siya mag react
"Seryoso ka!" Agad na Tanong ko sabay tayo
Tumango tango naman siya kaya napatakip na lamang ako ng bibig
Pano na to?
"Sino samin ang gusto mong mabuhay Crish?"mahinang tanong niya
Napatingin ako sa kanya at agad lang din nag iwas ng tingin
"What kind of question is that?!" Wala sa sarili kong asik
Napatawa naman siya ng mapakla tas nag buntong hininga at marahan na bumangon
"Tanong na buhay ang nakasalalay crish" dagdag pa niya
Napaismid ako dahil sa larong kilala na ng mga estudyante dito
Matira matibay! Hindi pa nangyari na dalawa ang nanalo sa loob ng laro
Isa talaga sa kanila ang kailangan manalo
"Both of you ofcourse" saad ko
Napatawa siya ng mapakla tas umupo sa couch at hinila ako paupo tas humiga sa lap Ko
Na aamoy ko pa ang alak mula sa bibig niya
"Are you drunk!?" Inis na Tanong ko
Ngumiti lang siya kasabay nun ang luhang umagos sa mga mata niya
BINABASA MO ANG
SEVEN UNIVERSITY
ActionA game that challenged your capability. Vengeance and Money are the key A competition between the Seven most influential families Who will win? The one Who Believed that they must Remained on Top? Or The one who seeks revenge. Liana Rain Fontana, Th...