Chapter 34:My 4 Billion

310 23 0
                                    

Enrico's POV

Napatingin ako sa lalaking alagad ni Rucio agad akong lumapit sa kanya at hinampas ng baseball bat para mawalan ng malay

"Ibalita sa lahat ng member at wag hayaan na mangyari ulit to" saad ko

Tumango naman silang tatlo may pumasok na isang member pinakita niya ang wrist niya kaya pinatuloy ko

"Tell them and linisin niyo ang kalat at bantayan ng maigi yan" saad ko sabay turo sa hinampas ko ng baseball bat

Marahan naman itong tumango kaya lumabas na kaming apat

Napatigil kami ng makita na malakas ang ulan at sinasabayan pa ng kulog

Ilang oras din pala ang nagugol namin sa loob just for that

"Si R na ang bahala sa lalaking yun" saad ko sabay hinga ng malalim

"You know, kanina ko pa gustong itanong to, san mo kinaladkad si Liana?" Tanong ni Max na nagpatigil sakin

"Shit!" Wala sa sarili kong asik at agad na tumakbo kahit na malakas ang ulan medyo malayo ang Black Cage sa mga Room and it takes a minutes

"Umuulann Enrico!" Sigaw ni Frost

Alam ko di ako tanga!

Tang ina nakalimutan kong iniwan ko pala siya sa roof top at iniwan ng pagbabantang salita

Gabi na at sigurado akong marami na ang nararambulan at mga triter na pakalat kalat dahil sa 50 million na pabuya kung sino ang makakapatay kay Rain

Taena mo Rucio!

Naghahabol hininga akong nakarating sa building at agad na pinindot ang elevator

"Labas!!!" Asik ko ng may nag bugbugan sa loob ng elevator

Agad naman itong lumabas at tinuloy ang pag bugbugan kaya napailing na lamang ako

Talagang puno ng ka demonyohan ang tao and they just feed it more and more

Marahan na huminto sa 3rd floor kaya napasama ang awra ko at pinindot ulit ang 5thfloor napalunok pa ang dalawang babae na bumungad sakin ng bumukas ang pinto ng elevator pero di ko nalang pinansin.

Nakarating ako sa 5th floor at agad na lumabas ng elvator at tinakbo ang hagdan papunta sa rooftop

"Rain!" Sigaw ko ng makarating ako habang nag hahabol ng hininga

Malakas pa rin ang bagsak ng ulan at lumakas din ang ihip ng hangin dahil nasa taas na bahagi ako

Napatigil ako ng walang Rain ang nakita ko sa roof top

Tamang building naman ang inakyatan ko

"RAINN!!!" Asik ko

Nilibot ko ang tingin sa paligid ng rooftop pero walang Rain ang nakita ko at kahit na Anong bakas niya wala akong napansin

Bumaba siya??

SEVEN UNIVERSITYWhere stories live. Discover now