Twenty-One

15.6K 406 16
                                    

Akemi.

Time passed by, natapos na din ang 18 something something na ginagawa sa mga debuts. Last nalang ang blowing ng candles, but sabi nila kailangan daw munang mag-palit ng damit yung debutant. Ganun ba talaga yun? Kapag nagde-debut ka dapat iba't-iba yung damit?

Ang sarap ng iced tea dito, promise! Kaya sa sobrang dami ng na-inom ko, I need to pee. One other problem, how should I know where the restroom is? Sa laki ng venue na ito, I probably couldn't. So I asked yung mga kasama namin sa table. Mainly, Angelo Martinez since siya lang yung nasa table na hindi dumadakdak.

"Ugh, can I ask something?" tanong ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin with a grin.

"Go on,"

"I can't seem to find the restroom. Nasaan ba?" I asked again.

"Down that hallway madame. I wish I could accompany you but I'm glued to this chair," he gave me an apologetic look while I just thanked him at nagsimula na akong maglakad paalis ng table namin. I saw Akane creased her forehead at me.

'Magre-restroom lang ako, sama ka?,'

Unti-unti nag-soften yung face ni Akane nung kinausap ko siya using my inner voice. 

'Sure,' she answered at naglakad papunta sa akin.

''Huwag muna dito, sa hallway tayo mag-sama. Follow muna,' I said ng makita ko yung mga guests dito sa loob ng venue. Baka mapaghalataan kami. i saw her nod in my peripheral vision at nagsimula na akong maglakad while she's following me.

Nang nasa hallway na kami I asked her again, "So, may suspicious na bang nangyari?"

"As far, wala pa naman. They all look cool at mukhang hindi tatarget-in nung murderer yung party na ito. it's way too risky," she said.

"Ang hirap mag-pretend Akane!" I blurted and rants started coming out of my mouth like a freaking shotgun. "Nabo-boring pa ako since Hiro always does the talking, naka-upo lang ako doon drinking the iced tea,"

Totoo naman eh! I just ate habang si Hiro parang naging professional na businessman. He was talking about our sales and investments in other companies. Pati na din yung page-export namin ng magazines to hit the international market. Someone's busy all night reading the protfolio!

"Oo nga, mabuti nakatagal pa ako doon! Naghiwalay na nga kami ni Riye since pumunta siya doon sa mga ka-business niya. Anyway, ano kayang ginagawa ng babaeng yun?" she asked.

Oo nga, si Riye shy type kasi yun. I just hope she's doing well at hindi siya mapag-halataan. Yung kasing anak ni Mr. Tan na si Sean kanina pa tingin ng tingin sa amin ni Hiro. He's doing great, ako lang yung hindi.

"Ewan ko din eh, kanina pa kasi ako tinitignan nung Sean. Yung anak ni Mr. Tan?" ani ko and nakarating na kami sa may restroom. May dalawang cubicles at sa isang side ay may shower curtain at bathtub. Ang nakakapagtaka lang bakit walang ilaw?

"Baka type ka nun!" tumawa ng malakas si Akane at nag-tse lang ako sa kanya. Type niya si Astrid Ford, hindi si Akemi. "Ayaw mag-open nung ilaw," sabi ko at tumingin kay Akane.

"May flashlight ako," sabi niya at inilabas yung flashlight niyang nasa ballpen. Well, at least may source of light kami, diba?

"Sige, pa-ilawin mo muna yan at iihi muna ako," I said at pumasok na ako sa cubicle contented with the amount of light I'm receiving. Complete sila dito ah? May bidet, may tissue at may mga sanitary supplies sa bawat cubicle.

After, lumabas na ako at may biglang pumasok na babae.

"Ay, mayroon palang tao. Bakit hindi niyo buksan iyong ilaw, anak?" sa tingin ko sa kanya, siguro siya yung mayordoma dito sa bahay. Naka-apron siya eh at bun na magulo.

"Ah wala po kasing ilaw eh," we both shrugged.

"Wala nanaman? Sige, ineng. Ako ng bahala dito," she kept on mumblinga bout the technician and stuff. Bakit hindi nalang nila palitan yung  bumbilya? Mayaman naman yung may-ari ng bahay- mansion eh!

Lumabas na kami ni Akane, napagtanto ko na nag-retouch lang pala siya. Medyo nakikita na kasi yung kulay red niyang buhok kaya kailangan niyang spray-in para matakpan.

"Nakakainis talaga itong buhok ko, litaw ng litaw!" she complained.

"Hayaan mo na," sabi ko and laughed at her. Nakakatawa kasi yung mukha niya eh.

"Basta update niyo kami ah?" she said and I nodded, nung paglabas ng hallway. Nag-hiwalay na kami at bumalik na siya sa upuan niya.

Bumalik na ako sa may table namin at nag-excuse me. Here we go again. Hindi nanaman ako magsasalita. Yung Raikon Martinez? Ayun he's bragging about his business hitting the top spots internationally.

May mga nagpalakpakan sa side namin kaya napatingin kami sa stage. Nandyaan na pala si Josie, in-on ko yung ear piece ko. Isa siyang contraption na made to hear where gun shots came from. parang ine-enchance niya yung hearing mo. Pero, wala pa ding tatalo sa pandinig ni Akane. Also, sa mga firearms lang yung ine-enchance niyang marinig namin.

Tinapik din ni Hiro yung ear piece niya at tumango sa akin.

'Stay alert,'

Tumango ako pabalik sa kanya. All eyes are on the birthday girl. I find myself looking for Reiji. Sana okay lang siya, I know how badly he missed his bestfriend pero all things must come to an end diba?

Nakita ko naman siya sa ay table malapit sa may stage. He's looking na parang may sadness sa eyes niya, i can see it thanks to my sixth sense. Kahit mga 100 meters yung layo niya sa akin kitang-kita mo yung mata niyang mapupungay.

"She looks wonderful doesn't she?" tanong ni Raikon at tumango nalang kami. "Well, Angelo is planning on courting her," he added.

Alam ko namang for business purposes lang yung pangliligaw na sinasabi ni Mr. Martinez kay Angelo. I can see na parang boring na boring siya and alam kong hindi niya din type si Josie. Mukha kasi siyang isang man na madami ng naka-one night stand and playboy. He doesn't like conservative girls, pero wala naman siyang choice diba? Business is business.

"Ah, ganun ba? Looks like we have a competition going on here, Sean," sabi ni Mr. Tan sa anak niya.

Who would've guessed? Halata din naman na dinala lang nila yung mga anak niya para ipag-pares kay Josie since yung asawa niya yung makaka-inherit ng mga mana na ibibigay sa kanya ng papa niya. And alam ko yung mana niya is worth a buttload of money, kaya desperate na yung mga tao dito.

"May the best man win," sabi ulit ni Raikon at nag-smirk ng pagka-laki laki.

"Don't be over confident, Mr. Martinez. I have a few surprises up my sleeves," ngayon sa buong gabi ko lang narinig na nagsalita si Sean. He has a very deep manly voice.

"Few? I have many," walang ganang sabi ni Angelo at tumingin na din sa kanya si Sean with a big grin platered on their faces. Nakakatakot sila.

Habang kumakanta ng birthday song, napatingin ako kay Josie. Pinagupit niya yung buhok niya, yung pixie cut? She looks cute in it. This whole night, ngayon ko lang siya napag-obserbahan. May mala-porselana din siyang skin. I suddenly felt insecure.

I brushed that thought away ng may marinig akong kakaiba.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon