Twenty-Eight

12.4K 348 32
                                    

Akemi.

Ang sakit ng ulo ko, I can't think straight. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko but the vision was blurry kaya pinikit ko ulit at binuksan. I'm in a black room with red designs and furnitures. Enggrande siya, but it's not a part of Tantei High.

Nilingon ko ang ulo ko at nakita ko si Hiro na may mga bruise at wounds, parehas kaming narito sa room at natutulog pa din siya. What the hell did they do to him?! Sa oras na makawala ako dito ay mapapatay ko kung sino man ang gumawa nito!

Tumayo ako sa pagkakahiga sa sahig at sumakit ang ulo ko, it felt dizzy at nakita kong may bandage dito. Ginawa kong suporta yung cabinet sa side ko para makatayo at daluhan man lang si Hiro.

Nasaan ang iba? Sana okay lang sila, at dahil sa katangahan ko ay dapat hindi ko na sila kinausap sa inner voice at hindi na sila nadamay pa dito sa stint ni Lurixia Adams! That girl!

"Hiro," marahan kong tinapik iyong pisngi niya.

Pumikit-pikit ito at dahan-dahang bumukas yung eyes niya. Those green eys were intensely gazing at me. Umayos siya ng konti sa pagkaka-upo at ngumiwi sa hapdi ng bruise sa kanyang bisig. Kinuha niya yung arms ko at buong lakas na niyakap. His breathing is uneasy, mabibigat at mabilis.

"Akala ko napano ka na, thank God you're okay," sabi niya at biglang bumilis yung tibok ng puso ko. This happens everytime.

"What?! Ikaw! Thank God you're okay" sabi ko at pinitik niya ng marahan yung forehead ko which made it crease.

"Bakit ka ganyan maka-react? I'm not yet dying," sabi nito at humalakhak. Hindi ako sumabay kaya napatahimik siya at umiwas ng tingin.

"Punong-puno ka ng bruises!" sabi ko, "Tapos yung wounds mo baka maimpektsyon!"

Tumayo ako at hinawakan niya ang braso ko, "I'm fine," sabi niya at umiling ako.

"You're not, hayaan mo ako," sabi ko sa kanya at tumayo na para maghanap ng pwedng pang-wrap ng sugat niya para hindi man lang maimpeksyon.

Hinalughog ko ang buong kwarto at nakita ko ang alcohol sa may side drawer. Kinuha ko yung towel na nakasabit doon at pinagka-cut ito into pieces. Tatlo kasi ang sugat ni Hiro. Isa sa siko, sa palad at sa may ankle.

"Taas mo nga yung braso mo," sabi ko sa kanya at sinunod niya yung utos ko. Tinaas niya iyon at pumikit ako, "This may hurt," binuhusan ko ito ng alcohol at napakagat siya ng labi habang iniinda ang sakit. Why did he suddenly became... hot?

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya at ginamot na yung mga sugat niya. Kinalabit niya ako ng malapit ng matapos ang pagagamot ko sa palad niya.

"Does my face look less attractive?" tanong niya at kumunot ang noo ko.

"Sugat-sugat ka na nga, appearance mo pa ang pinapakialaman mo,"

"Syempre, nandyan ka sa harap ko eh,"

Umiwas ako ng tingin at lumunok sa di malamang dahilan, "B-bakit, ano, naman.. Bakit naman?" Nautal pa ako!

Umiling siya at humalakhak. Music to my ears, "Wala, slowpoke,"

"Tse!" sabi ko at umiling.

Biglang bumukas iyong pinto and I felt furious ng makita ko ang mukha niya. She's a traitor, a liar, a snake. Umangat yung dugo ko and I squinted my eyes ng masaya pa ang mukha niyang pumasok ng kwarto.

"Anong ginagawa mo dito?" nanggigitgit kong tanong.

"Kukunin ko si Hiro, bakit?" tanong niya at ngumiti pa ng tipid.

Naglakad siya patungo kay Hiro kaya tinulak ko siya palayo, "Huwag na huwag mo kaming malalapitan,"

"Pakialam mo ba?!" aniya at tinulak rin ako.

"May gagawin kang masama!"

"Eh ano kung ganun?!"

I squinted my eyes at sumugod sa kanya. Sinampal ko siya at bumakat iyong kamay ko sa pisngi niya. Naka-sideways pa din yung mukha niya at manghang-mangha pa siya sa ginawa ko. Humalakhak pa siya at bumaling sa akin.

"Ang sama mong tao!" sabi ko at tinulak siya ulit ngunit hindi siya natinag.

"Hindi ko naman sinabing mabait ako, Akemi. Ikaw lang ang nagtanga-tangahan dyan," aniya at siya naman ang tumulak sa akin.

Bumigat ang paghinga ko. My blood's boiling. Keep calm, Akemi. Nasa teritoryo ka niya, you don;t have any power here. Naramdaman ko ang isang kamay sa braso ko, when I turned around nakita ko si Hiro na masama ang tingin kay Lux.

"What are we doing here?" tanong ni Hiro at nag-smile naman si Lux. Urgh!

"We kidnapped you, the ransome is going to be delivered here in a minute," sabi niya at humalakhak, "I was just going to get Hiro para makapag-pagamot siya sa clinic. But I guess, ginamot na siya ng nurse niya,"

Umalis na siya at napahinga ako ng malalim, "Paano niya ba nabalik yung memorya niya?!" sigaw ko sa frustration.

"Akemi, don't you get it?" tanong ni Hiro at umupo sa tabi ko.

Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo, "Ano?" I asked.

"May enchance skill siya. Akala ko guni-guni ko lang but hindi pala," sabi niya at hinilamos ang kamay sa mukha, "That day na nag-away sila ni Darwin? She touched Reiji kaya nakayanan niyang itulak sila Sir Hayate and Sir Hiroshi. But I think it only last for 2-3 minute. She can be the seventh agent," 

Nagulat ako. Lux? The Seventh agent? No. She can't be, wala siyang halong dugo ng senshin. And.. and.. sabi ni Darwin..

"Hiro, Darwin said na ang dahilan kung bakit pinatay nila ang Mama ni Lux ay dahil gumawa siya ng drug dati na kayan mag-enchance ng kakayahan ng tao. Maybe.. Hiro, maybe she's not. Hindi siya Senshin," sabi ko.

"How can you be so sure na hindi siya Senshin?" tanong ni Hiro at doon ako napaisip.

I don't know her nor her past. Pati family background niya hindi namin alam. So, may halo ba siyang dugong senshin? Oh dahil lang dun sa drug na ininom niya kaya na-enchance yung powers niya? Ang gulo, ang gulo gulo!

"Sana hindi niya pa alam na may ganun siyang kapangyarihan. Baka gamitin niya sa masama,"

"Then we won't tell her," sabi ko at tumango siya.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon