Special Chapter

12.7K 263 21
                                    

This is barely edited, sorry for typos.

-

Wala pa ring makakatalo sa Adobo ni Mama. She cooks it perfectly and every bite of it makes my stomach scream for more. It's definitely the best Adobo. Well, kahit ano namang iluto ni Mama ay ang the best sa akin. And no, I'm not exaggerating. She's a great cook. Paano kaya kung buhay pa ang biological kong nanay? What would her dishes taste like?

"Bato bato pik, matalo maghuhugas ng pinggan." kumindat si Akane sa akin at ngumiti nang parang may masamang binabalak. At alam ko na kung ano ang masamang balak na iyon, she looked at Lux for a moment then her face formed a grin.

'Fist, guys.'

Pinigilan ko ang pag-ngiti ko. Pinagti-tripan nila si Lurixia. She still can't speak with her mind, naaalala ko ang sarili ko sa kanya dati. Noong bago pa lang ako, nagpapasalamat nga ako at hindi nila ako pinag-tripan dati imbes ay tinulungan pa nila ako. Minsan nagagawa na niya, pero madalas hindi. And she gets frustrated kaya pinapabayaan muna namin siya. Maybe we're cheaters but it's a motivation.

This will make her determined to use her mind and not get frustrated. Si Lux kasi ang tipo na gusto agad natututuhan ang isang bagay. And that's not how the world works. Kailangang paghirapan ang isang bagay bago mo ito matutunan o makuha. Hardwork pays off.

"Una bato, bahala na!"

All of our hands were balled into fists, smirks plastered on our cheating little faces. Nahalata iyon ni Lux at agad siyang tumayo mula sa kanyang inuupuan, "Unfair cheaters!" sigaw ni Lux. Scissors kasi ang kanya. "I hate all of you." tumayo na siya sa dining table at nagsimula ng maghugas ng plato sa sink.

"I'll help her." sabi ni Darwin at uminom muna ng tubig bago tumayo at nagsimulang maglakad papunta sa kusina.

"Asus, loverboy!" pang-aasar ni Ken na kanina pa kumakain at ngayon lang nagsalita matapos ubusin ang plato ng Adobo niya. Gusto pa yata nito ng take two, nahihiya lang kay Mama.

"Shut up." tumalikod si Darwin at dumiretso na sa kusina.

"Parang di ka din loverboy ah."

Tumingin sa akin si Ken na parang walang alam sa mga pinaggagawa niya ngayong linggo, "Hindi sakin galing yung boquet. Tss, dami namang may initials na K sa buong campus ng Tantei-"

"But no one has access to our dorm except for the school officials and.. oh, you boys." sabi ni Riye at humagikgik kaming dalawa ni Akane. "Apparently, onii-chan.. Ikaw lang ang may K sa inyong tatlo."

Tumikhim si Ken at uminom ng tubig.. psychologist or not alam kong ninenerbyos siya. He laughed like a madman before shooting back an answer, "Ha, as if."

Tumawa nalang ako, kawawa naman si Ken baka magkalat pa dito ng hindi oras. Ngumiti ako sa kanya at tinignan niya lang ako ng masama. Bakit kasi ang taas ng pride ng isang ito? 

"We're going to be late. First and only humdrum class at hindi pa tayo darating sa tamang oras?" sabi ni Reiji na hindi ko napansing nakatayo na at nakasukbit na ang bag sa kanyang balikat.

Katulad ng nangyari sa akin, titingin nanaman kami ng estudyante rito sa eskwelahan ng mga humdrums na may espesyal na kakayahan. Of course, we have to be very keen dahil one and only chance lang namin ito.

Nung una ayaw pa namin eh, kasi hassle and pwede namang iba ang gumawa. But, the prize is a new weapon kaya sugod kami. Anything for a new weapon. Medyo naluluma na din kasi ang mga Pandora's box namin and we need our hands on something new. 

Sabay-sabay kaming lumabas ng bahay ni Mama (na bahay ko rin dati) matapos maghugas ng pinggan ni Darwin at Lux, at nagpaalam na sa kanya bago sumakay kay Miyu at nagtungo sa paaralan. It's just a 15 minute ride to the school at 30 minutes pa bago mag-start ang klase.

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon