Seventeen

15K 441 41
                                    

Akemi.

Ang sakit ng ulo ko. Sobra. Wala akong kamalay-malay kung nasaan ako. Am I hallucinating? Basta, ang alam ko lang nahimatay ako, hindi lang ako sigurado of what caused it. Tumayo ako at narito na ako sa loob ng Girl's Dorm at walang katao-tao.

I screamed their names, nang mapagtanto kong wala akong kasama doon, lumabas na ako at may nakita akong figure ng babae sa may malapitan. May nakalatag na picnic blanket at naka-upo siya doon habang kumakain.

Transferee ba siya? It's 3 pm, may klase pa yung mga students. Nagka-cutting ba siya?! To prove my answer, lumapit nalang ako and stopped concluding things.

"Akemi!" lumingon ako at nakita ko si Papa, lumapit siya sa akin at inalalayan ako papunta sa babae.

Confused pa din ako sa nangyayari, sino yung babae? Kapatid ko ba? Kasi, mukhang magka-sing edad alng kami eh. Pero, nung humarap siya sa amin parang nawala lahat ng iniisip ko sa mundo at nag-stop ako. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at si Papa nalang yung tumutulak sa akin papunta sa kanya.

"Oh, Akemi. Hindi ka ba natutuwa?" tanong ni Papa at naramdaman ko nalang yung luha na tumutulo sa mga mata ko.

Panaginip ba ito? If it was a dream, I don't want it to end. I'm finally seeing her, eye to eye, in flesh. Talaga ngang parehas kami ng facial features. Ginesture niya yung hand niya na lumapit ako sa kanya.

That made me come back to my senses, tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Ikaw po ba yan? Hindi ako nanaginip?" tanong ko habang nakayakap pa din kay Mama.

Wala na akong pakialam, basta gusto kong sulitin yung nangyayari. Parang totoo, yung comfort na binibigay ng hug niya. Hindi ko pa nararanasan ito, yung feeling na secure ka? Ayun yun eh.

"Oo naman, gusto mo kurutin pa kita?" tanong niya at inihanda na yung kamay niya at nag-nod ako. I need assurance, baka hindi pala totoo. Kinurot niya naman yung cheeks ko at nasaktan nga ako. So, totoo ito?

"Papa? Paano.." lumingon ako kay Papa at naghahanda na siya ng mga pagkain sa plates.

"Mahabang kwento, Rainie. The important part is she's here," aniniya at binigyan kaming dalawa ni Mama ng soda.

"Ma, matutuwa sila Ma'am Michiko at si Ma-I mean, Tita Naomi kapag nakita kayo," I said gladly at tumawa naman siya sa pagka-excited ko.

Madami nga akong tanong, pero mamaya ko na tatanungin. Gusto ko muna siyang makasama and fill the years na hindi ko siya kasama. Habang naglalakad kami papunta sa kung saan sila Ma'am Michiko, parehas kaming napa-stop ni Mama.

The black dimension's opening.

Hindi ko namalayan na may biglang tumutok na baril sa aming dalawa ni Mama. Medyo blurry yung mukha niya dahil natatamaan ng glasses niya yung mata ko. Sino ito?

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kakabalik palang ni Mama, nasa binggit nanaman kami ng kamatayan. Kung noong infant pa ako, si Mama ang nagsagip sa akin. Ngayon, ako naman. Hindi ko na papayagan na may mawala sa akin.

"Sino ka?" tanong ko habang hinahawakan yung wrist ni Mama.

"You don't want to know," lalaki siya, malalim ang boses at parang may melancholy sa tune ng voice niya.

Sino ba siya at kahit saang angle hindi ko siya makita? I'm even squinting my eyes pero isang scar lang sa may ibaba ng mata yung nakita ko. For sure, isa siyang Shinigami,.nabuksan niya nga yung black dimension eh.

Hinawakan ko ng mahigpit si Mama na kanina pa walang imik. Siguro may plinaplano siya. At, ayokong gawin niya yun. "Anong kailangan mo?" tanong ko at tumawa siya ng malakas na malakas.

"Ikaw," sabi niya at tinutok yung dalawang baril sa akin, "Kailangan kitang patayin" sabi nito at ipinutok yung trigger ng baril.

I wasn't hurt nor bleeding. Shocked, that's the correct description. Wala akong naramdaman na kahit ano. Parang nag-bounce lang yung bala sa akin. Tapos, dahan-dahan akong natumba.

"Akemi!" yun nalang ang narinig ko bago ako sakupin ng dilim.

"Akemi! Gumising ka nga!" bigla akong napatayo sa tawag ni Hiro. Ang bilis ng pag-hinga ko at pawis na pawis. Nakaramdam ako ng mainit na feeling sa may braso ko. Isang sugat.

Tapos, nakita ko si Hiro na may hawak na kutsilyo. Anong ginawa niya?! Siya ba yung may pakana ng sugat ko? Tinignan ko siya ng malalim para sabihin niya yung gusto kong malaman. Effected naman.

"I need to cut you para mag-react yung physical body mo. Mukha kang binabangungot, what happened?" tanong niya. So, isang panaginip lang pala ang nangyari? Nakita ko din yung kamay ko na may wound. Ito siguro yung sinasabi ni Hiro na kailangan niya akong sugatan para magising ako.

"It was all a dream..." he murmured at nararamdaman ko pa yung pisil ni Mama, yung hug niya.

"Imposible! Nararamdaman ko pa siya, Hiro. Yung yakap niya yung pisil niya sa cheeks ko. Huwag mo nga akong pinagtri-tripan!" sigaw ko sa kanya at pinagsusuntok yung dibdib niya na nasa harap ko.

Joke lang lahat ng sinasabi niya. Joke lang. Totoo yung kanina, si Mama. Totoo siya. Naramdaman ko nang yung mainit na liquid na nanggaling sa mga mata ko. Ano ba yan, umiiyak nanaman ako. Ang weak ko talaga.

"You're joking!" Nag-stop ako sa pagdadabog sa chest niya ng bigla niya akong yakapin. This was the same feeling I felt nung yinakap ako ni Mama, I felt secured again.

"Psh, my affection flew into your dreams. This was the same feeling right?" he said at napa-nod ako. So, kanina yinakap niya din ako? Weh?

"Don't cry," sabi niya at mas lalo akong naiyak.

I don't know what to feel. Hindi nga totoo iyong lahat. But, why did I had that dream? Na para talagang totoo? Is reality playing on me? Kung oo, edi I'm the favorite. I'm reality's toy.

"Anong nangyayari?!" biglang pumasok sila Ken kasama ang mga teachers. At galing pa yata sa training sila Ken fahil tagaktak sila ng pawis ni Akane.

Bigla namang pumunta si Ken sa harap ko at parang may inamoy tapos biglang nag-bago yung mukha niya, "Nagkaroon ka ba ng bangungot?" he asked and I nodded quickly.

"Bakit? Anong meron?" tanong nila Ma'am Reina.

"Hindi nauseant yung nasa drugs, somehow na-disguise nila iyon. Isa siyang drug na mapapanaginipan mo yung gusto mong mangyari sa totoong buhay while the drug is slowly killing your reality self. Pero, hindi umepekto, fully yung drug sa kanya kasi we don't have the same blood with humdrums. Pero, I'm sure na nagka-bangungot ka." sabi ni Ken.

So, hindi nga totoo yung lahat? I was sad and happy at the same time. First, sad ako dahil hindi buhay si Mama and second, masaya ako dahil hindi totoo yubg lalaki sa panaginip ko.

But that reversed when Ken said something.

"But, parts of your dream can be true,"

Seventh Agent (Tantei High)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon