Code 8: Military Academy

17.4K 537 37
                                    

*** Someone's Point Of View ***

Agad akong pinagbuksan ng pinto ng aking body guard nang huminto ang aking sinasaksyang kotse sa harapan ng isang building..

Mariin akong bumababa dito at iniayos ang aking white and blue military uniform.. hindi dapat ito makusot lalo na't haharap ako ngayon sa pinakamataas na pinuno ng paaralang ito..

Maingat na inabot saaking ang aking gray na suitcase at agad na pumusisyon saaking tabi.. di kalaunan ay lumabas ang isang lalakeng school personel at buong tuwid akong sinaluhduhan..

Napatingin ako sakanya at agad din namang sumaludo..

"Maligayang pagdating po, Admiral Rockwell!!"

Malugod na bati niya saakin..

"Magandang araw din po, General Kai.."

Matipid kong bati sa may edad nang Heneral..ngumiti siya saaking ngunit hindi parin mawari ang aking seryosong mukha..

"Isang malaking karangalan po ang makilala at makita ang pinaka batang Admiral ng Intelligence ng Xavierheld Military.. "

Natutuwang sabi niya saakin.. nginitian ko lang siya ng matipid.. matapos noon ay agad niya akong sinamahan papasok sa loob.. hindi parin umaalis ang iilang mga body guards ko na nakabuntot saaming likuran..

"Malugod na po kayong hinihintay ni Captain..."

Masayang sabi niya saakin habang naglalakad sa hall ng nasabing paaralan.. pansin ko ang iilanga mga studyante sa paligid ng hall.. tila bay naninibago sakanilang nakita at agad sumaludo..

Halata sa kanilang mga mukha ang nerbyos nang makita nila ako.. ngunit hindi ako nagpa daig at ang dirediretso lang ng aking tingin..

Sumakay kami ng crystal lift elevator..natanaw ko ang buong unibersidad mula sa itaas.. iilang taon na ang nakalipas.. hindi parin nagbabago ang lahat..

*TINGGG~~*

Bumukas ang pinto at lumabas ang mga body guards kasama kami.. napalakad kame sa hall at patuloy na sumasaludo at tumitigil sa paglakad ang iilang mga studyante aming makasalubong..

Hindi parin nagbabago ang lahat.. ganun din kaya siya?

Napatigil kame nang marating namin ang isang automatic door..tumayo sa tabi ang Heneral at pinindot ang voice button ng pinto..

"Captain Einsmann, naririrto na po ang iyong bisita.."

At sa pag bitaw ng heneral ng push to talk button ay narinig ang isang mapinong pamilyar na boses ng babae..

"Ah..okay..papasukin nyo siya..salamat Heneral Kai.."

Automatic na bumukas ang pinto at pumasok ako ng mag isa.. hindi na sumunod pa ang aking mga body guards at ang nasabing Heneral..

Pagkapasok ko ay agad namang sumara ang pinto at bumungad saakin ang isang malaking office.. napatayo lng ako sa harapan ng desk mula sa malayo..

Tanaw na tanaw ko ang mga gabundok na papel sa mahaba niyang crystal desk..ngunit tila'y walang nakaupo dun..

Nang biglang nakarinig ako ang pagpatong ng mga babasaging plato sa isang mesa sa may bandang kanan..

Napalingon ako at muli kong nalapat ang aking mga kayumagging mga mata sa isang maputing babaeng may mahabang buhok na nakasuot ng puting military uniform..

Hindi ko maiwasang medyo magulat nang makita kong nakasuot siya ng isang pink na cooking apron..

"Maligayang pagbabalik, Yohannes Rockwell..."

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon