Code 55 : The Second Chance

6.1K 199 76
                                    

STRONGHOLD OF ZION, XAVIERHELD ALLY BASE, AREA 65, XAVIERHELD TERRITORIES 2335H (11:35pm)

Revienne's Point Of View

"Coming Through! Coming Through!" malakas na pag anunsyo ko habang madaling hinila ang stretcher na tulak tulak namin ni Captain Alexander.

Hindi magkamayaw ang iilang mga crew at mechanic saaming pag dating. Agad silang tumabi na siyang nagbigay ng daan upang magisnan ng aming mga mata ang malaking space ship na nagawang i confirm ng base na pagmamay ari ng Grupong Black Rogue.

Isang oras na ang nakakalipas since makarating kami sa pinaka malaking stronghold ng Xavierheld. Isang oras na ang nakalipas nang pansamantalang nagkaroon ng katahimikan ang walang humpay na kaguluhang unti unting rumaratay sa kapayapaan.

Isang oras. Isang oras lang kinailangan upang makuha ng EAF ang isa sa pinakamagaling na alas ng Xavierheld. 

Si Captain Vaughn.

Sa loob ng halos isang oras, iilang buhay ang nawaldas, hindi mabilang na mga pangarap ang naglaho, at isang bagong alyansa ang nabuo.

Napatingala ako sa nasabing space ship. The Black Rogue came in for our desperate rescue, although hindi parin lubos na malinaw ang kanilang intensyon, kusa naman silang sumuko at nag pahawak sa Xavierheld.

Napatayo kami ng aking kapitan sa may gilid ng dock at buong tindig na pinaghandaan ang pag bukas ng steel door ng nasabing ship.

Agad na pumaligid saamin ang iilang mga armadong ace soldiers na naka assign sa nasabing base. Umugong ng isang kakaibang katahimikang nag bigay ng kaba saaming mga dibdib as we watch the door open.

"Stella!?" nanginginig na sambit ko nang masilayan ang walang malay na si Stella na akay akay ng duguang si Tristan sakanyang mga nanghihinang braso as the door finally opens.

"Please, Help her.. help my sister." nanghihinang pahayag ni Tristan na halos magpagewang gewang na sakanyang pagtayo. 

Walang inaksayang panahon si Captain Alexander. Buong ingat niyang kinuha si Stella mula sa duguang bisig ng binatang taga EAF at agad na inilagay sa stretcher.

Sa mismong pag himlay kay Stella sa stretcher ay agad na kumilos ang iilang mga armadong ace soldiers at marahas na iginapos si Tristan.

Pilit na nanlaban ang nanghihina at dugung binata habang marahas siyang iginagapos mula sa kanyang likuran na lubos na nagpa alarma kay Captain Alexander.

"What the hell are you doing? can't you see? sugatan ang isang yan! let me check his condition!" seryoso niyang sambit ngunit agad siyang hinarang at pinigilan ng mga sundalo.

"Captain, let the the Ace Soldiers handle this. Isang taga EAF ang isang yan. He might still be dangerous." maawtoridad na sambit ng leader ng grupo.

"I don't care! He's in a critical condition. We medics still recognizes neutrality despite of this war, so back off commander, I've got a life to save!" he said with his serious tone.

Ngunit hindi nagpadaig ang nasabing commander ng grupo at halos matigilan ako sa takot nang itinutok niya ang kanyang baril patungo saaking kapitan.

Nang biglang

"Pointing a gun on a doctor and a wounded man eh? And you call your self a decent soldier of the Xavierheld? nasaan ang moralidad nyo?!"

Agad kaming napatingala lahat nang marinig namin ang isang pamilyar na boses na nagmula sa isang kakalapag lang na Itim at Grey na Mechanical Knight.

Mula sa kanyang bumukas na cockpit ay lumabas ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng black with violet na space suit at helmet.

Sa side ng kanyang braso ay kitang kita ko ang isang tatak ng itim na rosas at espada. Ang simbolo ng Black Rogue.

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon