Code 40: The Report

7.4K 273 124
                                    

*** Tristan's Point Of View ***

Mag isa kong binaybay ang tahimik na hallway patungo sa opisina ni Captain Keith.. this time hindi ko na mapapalampasin pa ang kanyang ginagawang pangingialam sakin..

Tanging ang mga yapak ng aking mga suot na sapatos ang naririnig sa tahimik na lugar.. I turned left towards the hallway at natigilan ako nang makita sina Serene at Roi na nag uusap sa may isang tabi..

Napailing si Serene at Roi nang makita ako ngunit pilit silang tumindig at sumaludo.. I stare sharply at Serene na hindi lang naman makatitig sakin ng diretso.

Umugong ang isang awkward silence sa buong paligid as I gazed upon Roi's eyes that was filled with a dozen of questions that waits for desperate answers..

"Mau..mauuna na po kami, Ca..Captain Tristan.."

Nauutal at natatarantang sagot ni Serene habang nagmamadaling hinatak si Roi paalis ng lugar.. Napatayo ako at hindi sumagot as they left me standing there..

I know Roi was aware about dun sa nangyari.. He was there and he saw it with his own eyes..

Napabuntong hininga ako as I continued to walk patungo sa nasabing opisina.. as I walk towards the silent hallway again, napatigil muli ako nang madatnan ko ang pag labas ni Vaughn mula sa opisina ni Captain Keith..

Its been a week since napunta na sakin ang custody ni Stella.. and Ito na siguro ang ika 101th time na tumungo si Vaughn sa opisina ng bastardong kapitan na yun, pleading for a re match and begging for the custody of his subordinate back..

Napatindig ako ng tayo as his tired eyes sharply stared at me.. he then walked and passed through my side..

"I will not give up on her.."

Seryoso ngunit mahina niyang bulong as he walks away from me.. Napahigpit ang aking hawak saaking mga kamao..

Kahit pag balig baligtarin pa ang mga pangyayari at ang mundo, tama nga naman ang kanyang mga sinabi..

I will never be a honorable and victorious man in his eyes.. but that cheated victory led me to the satisfaction of being with that girl..

That girl whom I longed for all these years..

Napapikit ako and I gently pressed the door buzzer of Captain Keith's office..

Agad namang bumukas ang pinto at agad akong pumasok..

"I've been waiting for you, Captain Tristan.."

Nakangising bati niya sakin and I comfortably sat on his office chair.. napa dekwatro ako as I stare at him seriously..

"Why do you have to interfere with my ways, Captain Keith?"

Matapang kong tanong sakanya.. lumaki ang ngiti sakanyang mga tuyong labi..

" I saw that blue rose destroyed in front of me.. neither me or Vaughn got it.. so definitely its a draw.. but why did you have to interfere? Ang ayaw ko sa lahat ay dinudungisan ang pangalan ko sa pamamagitan ng pandaraya.. hindi kapa nakuntento at ginamit mo pa ang isang inosenteng dalaga sa pandaraya mo.."

Maawtoridad kong sambit sa matandang kapitan..

"Inosente? are you that certain na talagang inosente ang dalagang yun?"

Napalingon ako patungo sakanya with great curiosity..

"That Serene girl? what do you mean?"

Ngumiti siya ng pangahas..

"Its no longer your business, Captain Tristan.."

He said with a perverted smile on his wrinkled face.. napapikit ako at napa dekwatro ng kamay.. napatingin siya patungo sakin..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon