Code 24: Assumptions

11K 367 44
                                    

*** Revienne's Point Of View ***

Pinagmasdan ko kung gaano ka lalim ang butas na hinulugan ni Stella few minutes ago.. hindi ko maiwasang mamawis ng malamig at kabahan..

I dont have any idea on what to do.. but I gotta save her..

Napatayo ako at napakapit sa isang debris.. I leaned through sa isang wasak na window pane.. I dont see Howard and Edward any more..  Its been 30 minutes since they left, and hanaggang ngayon ay wala ni anino nila..

Napahigpit ang aking hawak saaking baril mula sa tagiliran.. I have no choice.. bahala na..

With cold hands and thumping heart beat na punong puno ng kaba ay lumusong ako patungo sa ilalim ng butas sa sahig.. dahan dahan akong bumababa gamit nung mahabang kable na nakausli kung saan..

Nang akong pababa ay pansin ko ang mga naglalakihang debris na nakalutang.. These might be the debris that pulled Stella downwards..

Ramdam ko ang unti unting paglamig sa paligid as I go down much more deeper sa butas.. iilang minuto din akong pakapa kapa sa dilim nang maramdaman kong may naapakan na akong sahig..

Napatingin ako sa paligid.. the place was empty, dark and full debris..

"Stella! Stella!"

Mahinahon na tawag ko sakanya.. ngunit walang sumagot.. napalingon ako at nagsimula nang maglakad.. I turned right and walked towards the dark steel hallway..

Kahit kinakabahan ay patuloy ko paring binaybay ang madilim na daan.. agad akong napatigil ng makarinig ako ng mabigat ngunit mabilis na pagtakbo kung saan..

Nanlamig ako at agad na kinuha ang aking baril.. mahigpit ko itong hinawakan at napasandal sa malamig na dingding..

That moment.. that silent moment.. I just stood there.. freezed with fear at napalingon sa kaliwat kanan..

"BLAAAAAGGG!!"

Halos pumutok ang aking puso sa sobrang takot nang makarinig ng isang malakas na kalabog.. gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko na nagawa.. agad akong itinakbo ng aking mga nangangatog kong mga paa palayo mula saaking kinatatayuan..

Umalingaw ngaw ang mabilis na tunog ng aking pagtakbo sa sahig na gawa sa lumang bakal.. hindi ko na mina mind ang pagtama ko sa iilang debris..

Naririnig ko ang aking mabilis na pag hahabol ng aking hininga habang walang tigil sa kakatakbo ang aking paa nang biglang nakarinig ako ng tila bay malakas na sigaw ng hangin mula saaking likuran..

Napatigil ako at lumingon saaking likuran.. Halos hindi ako makapagsalita at umugong ang sense of panic nang makita kong natamaan ng isang matulis na debris ang aking oxygen pack sa likod..

Agad na nag flash ang isang red warning prompt ng mababang oxygen level sa lens ng aking helmet habang mabilis na rumaragasa ang transparent smoke saaking pack..

WARNING! LOW OXYGEN LEVELS! 25% REMAINING

"D*mn it! sa lahat ng pwedeng masira ikaw pa!"

I started to panic but kept my cool.. nagsimula akong tumakbo hoping na makita si Stella as soon as possible habang may natitira pa akong hangin na hihingahan.. matindi ang tinamong butas ng aking O2 pack kaya mabilis din ang pag deplete ng aking oxygen supply....

Hindi ko na mina mind kung saan ako dinadala ng aking mga nanginginig at nanlalamig na paa.. I turned left at nakakita ng isang daan na tila bay may ilaw..

Kahit pagod na ang aking mga paa ay pinilit kong bilisan ang aking pagtako.. hindi ko alintana ang nangungulit nang warning system saaking helmet..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon