Code 56 : Aggression

6.1K 214 83
                                    

ST. MICHAEL'S FORTRESS, EARTH VANGUARD AXIS, PLANET EARTH 0615H (06:15am)

Admiral Vincent Vanguardia's  Point Of View 

"Kung ganoon ay patuloy parin silang nagmamatigas." mahinahong pinagmasdan ng aking mga mata ang napakaraming maliliwanag at nagkikisalapang pulang tuldok sa malaking screen.

Narinig ko ang maikling paghalakhak ng isang matangkad na kapitang may ginintuang buhok na nakatayo mula sa tabi ng aking kinauupuang trono dito sa loob ng madilim na command center.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang napako ang aking mga tingin sa mga ibang opisyal at sundalo sa loob.

"Those are the Xavierheld Fleet am I right?" Buong ngisi tanong niya saakin habang nilalaro ang isang eleganteng glass goblet saakanyang kamay.

"Yes, Indeed, Captain Meinhardt." matipid kong sagot at hindi lumingon. 

Hindi ko akalaing ganito katibay ang loob ng Xavierheld. They had refused to surrender despite of the second chance we had gave them. 

Kung sana ay pumayag nalang silang masakop namin sila ay hindi na hahantong sa ganito ang mga bagay bagay.

Trying to fight against the arms that once stood up for you. Its like pushing your self on a giant concrete boulder.

They will soon end up as lumps of blood.

"I wonder if kasing tigas din ng ulo nila ang pinagmamayabang nilang Ace Pilot na si Stella Franz. I can't hardly wait to play with her. I want her now." nasasabik niyang bulalas mula saaking tabi.

Hindi ko naiwasang mapatingin sakanyang mapanglaro at nasasabik na mga ngiti. Kitang kita sakanyang mga asul na mga mata ang kagustuhan ng pag danak muli ng dugo.

I had created a killing machine and no one can stop him now. Not even the girl he used to love. 

"Then you should get her now while she's still alive." pangahas na tugon sakanya. Gumuhit ang isang matalim na ngiti sakanyang mga labi as he drank all the wine from his goblet.

"Ahaha..! ayos.. I'll bring her head for sure.." buong pananabik niyang pagsambit habang inilapag ang glass goblet sa tactic table.

Bahagya akong napalingon at pinagmasdan ang kanyang pagtalikod palabas ng command center. Agad siyang napatigil sakanyang paglakad nang biglang bumukas ang steel door.

Napatayo ako at pinagmasdan ang isang eksenang kay tagal kong hinintay na makita. Gumuhit ang ngiti saaking mga labi habang pinagmasdan ko ang reaksyon sa mukha ng apo ni Dr. Robert Denzel

Edward's Point Of View 

Gulat akong napa bukas bibig nang magkasalubong kami ng landas ng lalakeng hinding hindi ko inaasahang makita sa lugar na ito.

"Ca..Captain.. Captain Vaughn?!" nauutal kong bulalas habang pinagmasdan ang halatang nagulat ring kapitan.

Kahit na ramdam ko parin ang kirot saaking nabulag na kanang mata ay agad akong napalapit sakanya at marahang hinawakan ang kanyang balikat.

Hindi ako makapaniwala saaking nakita. Anong ginagawa niya rito at bakit suot suot niya ang battle space suit ng EAF?

Nagsilutangan ang lahat ng hindi matapos tapos kong katanungan saaking isipan tungkol sakanyang presensya sa fortress ng kalaban.

"Kilala mo ba siya Captain Vaughn Meinhardt?" sarkastikong sambit ni Admiral Vanguardia habang nakabantay ng tingin saamin.

Pilit siyang napaiwas ng tingin sakin as If he was hiding a secret behind his worried blue eyes. Agad siyang napatindig ng tayo at buong lakas na hinampas palayo ang aking mga kamay sakanyang mga balikat.

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon