Code 14: The Wise Guy

12.6K 469 72
                                    

*** Captain Helsberg's Point Of  View ***

Gumuhit ang isang mapangahas na ngiti saaking mga labi habang pinagmamasdan ang mga current na pangyayari sa paligid.. 

Hindi parin niya tinitigilan ang iba.. hmm.. Talagang isa kang masamang damo.. Little pain the a** .. well.. tignan natin kung hanggang saan yang galing mo pag ihinarap na sayo ang mas higit na masamang damo kaysa sayo..

Hindi ko mapigilang lumaki ang aking mga mapangahas na ngiti.. Nang bigla kong narinig na tumunog ang aking phone.. agad ko yung kinuha at sinagot..

"Hello..Helsberg Speaking.."

Halos mailayo ko ang aking phone sa tainga nang marinig ako ang isang malakas na pagbulalas at halakhak ng isang lalake mula sakabilang linya..

"Ahahahaha!!! Hagalaz!! kumusta kana?!!! Its been a while!! I missed you!~ hahaah"

Napakunot ang aking noo nang marinig ang kanyang mabigat at makapal na boses sakabilang linya..

"Stop that Sh*t will yah? kinikilabutan ako sayo..gigilitin ko yang leeg mo pag nakabalik kana dito.."

Seryosong banta dun sa lalake mula sa kabilang linya..

"Ahaha naku, Hagalaz, kaya naman tumatanda ka na niyan.. hindi ka marunong mag take ng jokes.. haha."

Humalakhak pa siya mula sa kabila.. napatanaw ako sa malayo.. 

"Nakabalik kana ba sa base?"

Mariin kong tanong sakanya.. hindi parin maalis ang masaya at buhay niyang tinig mula sa kabilang linya..

"Haha.. oo.. last week pa ako nakabalik mula sa leave ko.. bitin nga ehh.. dami kong nakitang chika babes dun.. ahah sayang at di ka sumama.."

"Eh ganyan ka naman palagi eh..sus! hindi ka makakahanap ng matinong babae sa ginagawa mo ehh.. iilang araw nalang ay babalik kana dito kaya tigil tigilan mo na yan..kahit kailan, d kaparin nag babago.."

Seryoso kong sambit sakanya at napabuntong hininga ako.. kahit na maingay sa paligid ay nagagawa ko paring marinig ang kanyang masiyahing boses mula sa kabilang linya..

"Eh joke nga lang yun ehh.. may nakita akong isang babae dun.. uh.. di ko maintindihan ehh.. type ko siya..as in for real.."

Napa poker face nalang ako saaking narinig mula sakanya..

"Say.. balita ko nariyan sa grupo mo yung nang break in sa data base.. kumusta na siya?"

Napatindig ako ng aking tayo nang marinig ko ang kanyang sinabi.. napatingin ako dun sa starting line ng track at natanaw sina Stella at yung kasama niyang examinee na napapabalitang isang celebrity racer..halatang nahihirapan sila..

 "Ayos lang man siya.. ngunit nahihirapan siya.. may isang kumag kasi ang nakaharang ehh.."

Seryoso kong sabi sakanyan.. humalakhak lang siya mula sa kabilang linya..

"Isang Kumag? Ahaha..naku.. nakikita ko na ang mga balak mo Hagalaz.. good luck sakanya..haha say.. ano nga bang pangalan nung naka break sa database?"

Mariin niyang tanong saakin.. kumunot ang aking noo..

"Ano kaba.. pumunta ka nlang kasi dito para malaman mo.. ang tamad tamad mo naman! parang hindi ka kabilang sa Elite 10 ehh.."

"Grabe ka naman Hagalaz.. ang strikto mo talaga.. aahaha XD kaya wala kang Girlfriend niyan eh! wala kayong pinagkaiba ni Alexander.."

Nakinig lamang ako sakanyang boses mula sa kabilang linya.. at napatitig ako sa malayo..

Code 0X15 Project A.N.G.E.LTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon