⚡20: Lightning Fast ⚡

1.7K 84 82
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

Warning

This chapter contains sexual interactions of the same sex. Minors are not allowed to read.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Pagbalik ng dalawang Spirius sa mga tao, nasaksihan na nila ang isang malaking pagdiriwang. May isang malaking apoy sa pinakagitna na pinapalibutan at sinasayawan ng lahat ng naroon. Bawat isa ay may kapareha na sa masayang pagsasayaw sa gitna ng apoy. Ang ibang kalalakihan ay may hawak na tambol na nagbibigay ng ritmo sa kanilang sayaw.

"Halina't sumama na kayo..." pagyaya ng isa sa mga pantas na kasama rin sa sayawan.

"H-Huh?" napakamot nalang ng ulo si Harper.

"Halika na. Sus. Nahihiya pa to..." pang-aasar ni Gino na iniabot ang kamay kay Harper.

"Eh kasiii..." pag-aalangan ni Harper.

"Bakit na naman?" tanong ni Gino.

"Eh hindi naman natin alam yung sayaw nila oh." katwiran ni Harper.

"Eh di gayahin. Mahirap bang gawin yun?" sagot ni Gino.

"B-Basta..." wala nang masagot si Harper.

"Sus... Ikaw tong makasermon sakin tungkol sa pagexperience ng culture nila, tapos ngayon aayaw ka." sumbat ni Gino.

"Baka naman ayaw mong makita kitang kiligin pag nagsayaw na tayo dyan?" pilyong ngiti ni Gino.

"Feeling mo bwisit ka..." iritableng sagot ni Harper.

"Halika na kaseee..." hinablot na ni Gino ang kamay ni Harper kaya wala na rin itong nagawa kundi ang sumama sa sayawan. 

Nuong una ay nahihiya pa ito hanggang sa makita nya ang mga ngiti ng mga kasamahan nya kaya nalibang na rin sya.

Nuong una ay nahihiya pa ito hanggang sa makita nya ang mga ngiti ng mga kasamahan nya kaya nalibang na rin sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yun oh..." pambobola ng katabi nyang si Gino.

Mula sa kabilang dako ay matatanaw ang nakasimangot na si Gelinar na nakapako lang ang mga mata sa masayang sila Harper at Gino.

Natapos na ang sayawan at nagsiupo na ang lahat.

Ngayon ay magkatabi na si Gino at Harper habang ang isa sa mga pantas ay naglakad sa gitna na may bitbit na isang malaking mangkok. Kumuha sya ng ilang mga di pamilyar na prutas at pinaghalo-halo ang mga katas nito sa mangkok bago itinaas sa langit at dinasalan.

Hindi nagtagal at isa-isang pinasa ang mangkok sa bawat miyembro ng tribo na umiinom ng kaunting katas mula rito.

"Para san yan?" bulong ni Harper sa katabi nya.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon