⛰️ 32: Last Glimpse ⛰️

1K 56 8
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Oh... Sandali lang..." pagsaway ni Ram sa akay-akay nyang si Harper na lulong pa rin sa pagkalasing.

Mabuti na lamang at nakahanap ng ligtas na mapagpupwestuhan si Ram sa gilid ng kabundukan.

Gamit ang kanyang kapangyarihan, madali nyang napalutang ang mga tipak ng bato at pinatag ito para magsilbing higaan ni Harper.

"Ang tigas naman Ram..." pikit matang reklamo ni Harper habang maingat sya naihiga ni Ram.

"Pagpasensyahan mo na Harper. Ang mahalaga, matutuloy ang misyon natin bukas..." sambit ni Ram na nagumpisa nang maghanap ng mga tuyong sanga na maaari nyang gamitin pang-siga para hindi sila abutan ng malamig na simoy ng hangin na nagmumula pa sa tuktok ng kabundukan.

" sambit ni Ram na nagumpisa nang maghanap ng mga tuyong sanga na maaari nyang gamitin pang-siga para hindi sila abutan ng malamig na simoy ng hangin na nagmumula pa sa tuktok ng kabundukan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ram..." pagtawag ni Harper na nakatitig nalang sa apoy na nagawa nito at nagpapaantok sa kanyang kinauupuan.

"Bakit Harper? May kailangan ka?" tanong agad nito.

"W-Wala... May naiisip lang ako..." bulong nito na napatitig na rin sa apoy mula sa kinahihigaan nito.

"Ano yun?" tanong naman ni Ram.

"Napansin ko lang kasi. Sobra yung pagpapahalaga mo sa mga nasasakupan m.. Dito...Sa Edonia... Nakita ko kung paano mo sila pinahahalagahan..." pag-uumpisa ni Harper.

"Wala atang salita ang makakalarawan sa pagmamahal ko sa Edonia..." pagdeklara naman ng kasama nya.

"Hindi mo ba naiisip kung anong nangyayari sa mundong pinagmulan natin?" seryosong tanong ni Harper.

"Kasi ako oo... Lagi Ram... Lagi..." mabilis na napuno ng luha ang mga mata ni Harper na hindi na masyado na ring nagiging emosyonal dala na rin ng kalasingan nito.

"Gustong-gusto ko nang umuwi Ram..." tuluyang pagtulo ng luha ni Harper samantalang napayuko nalang si Ram.

"Uy...Ram, para naman akong tanga dito. Magsalita ka naman." pagtawag ni Harper sa hindi na makaimik na kasama.

"Nasa bingit ng panganib lagi hindi lang ang Edonia, kundi ang buong Eternia dahil sa mga pwersa ni Herod." sambit nito ng tahimik.

"Hindi ko maatim na iwan ang Edonia sa mga panahong ito. Masyadong delikado..." pag-amin ni Ram.

"Kung hindi mo gagawin ngayon? Kailan pa? Alam naman nating lahat na palakas lang ng palakas ang mga pwersa ni Herod sa Abes. At baka mahuli na ang lahat..." paliwanag sa kanya ni Harper.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon