🌿 38: A Noble Death 🌿

903 53 23
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credits belong to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Hindi... Hindi ito totoo..." nabalot ng pangamba ang mga mata ni Harper nang makita ang malaking apoy na tumutupok sa kagubatang dati'y punong puno ng buhay.

Napasigaw si Harper sa gulat nang may isang kaawa-awang nilalang na bumulaga sa harap nya. Nagtatakbo ito sa takot at sakit dahil tinutupok na ng mapaminsalang apoy ang buong katawan nito.

Tumingala sya sa langit at kahit gabi na sa Parador ay napuno rin ang langit ng mga nasusunog na mga ibon at mabubuting diwata na hindi nakaligtas sa laki ng apoy.

Hindi mapigilan ni Harper ang maluha sa sobrang pagkaawa sa mga maamong nilalang na ito. Wala syang magawa kundi tumakas na rin kasabay ng bawat hayop na tinuring ng tahanan ang kagubatan na ngayon ay unti-unti nang napupulbos ng naglalagablab na apoy.

 Wala syang magawa kundi tumakas na rin kasabay ng bawat hayop na tinuring ng tahanan ang kagubatan na ngayon ay unti-unti nang napupulbos ng naglalagablab na apoy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa kampo. Kailangan kong magtungo ruon at humingi ng sapat na tulong..." sambit ni Harper sa sarili nang makita nito ang isang mumunting diwata na naipit ang mga paa sa natumbong kahoy.

Hindi nagatubili si Harper na tulungan ito at isinilid sa kanyang mga kamay bago ito tumakas na nagbabagang kagubatan.

Gabi na sa lupain ng Parador kaya't hirap si Harper na tahakin ang landas pabalik sa kampo. Mabuti na lamang at nagawa nyang makalabas mula rito.

Mas lalong nanlumo si Harper nang matanaw nya mula sa malayo ang natutupok na rin sa apoy na kampo ng mga kawal ng Parador.

"Eyo!!! Veto!!!" sigaw ni Harper nang biglang magsulputan ang may kagagawan ng malawakang sunog na ito. Walang iba kundi ang mga Zarthul. Na-alerto sila sa ginawang pagsigaw ni Harper at nagsitakbuhan papunta sa kanyang direksyon.

"Kailangan mo nang tumakas kaibigan. Maghanap ka ng isang ligtas na mapagtataguan." nagmamadaling bulong ni Harper sa diwata nang pinakawalan nya ito sa kanyang mga kamay.

Pagkalipad ng diwata papalayo ay mabilis na tumakbo sa isang direksyon si Harper para sya ang habulin ng mga mapanganib na mga Zarthul at hindi ang kaawa-awang diwata.

Gamit ang kanyang latigo ay nakipagsagupaan ng buong tapang si Harper sa mga Zarthul.

Napansin ni Harper na hindi tulad ng mga naunang pagatake na nasaksihan nya mula sa iba't-ibang lupain ng Eternia, itong hinaharap nyang mga Zarthul ay mas marami at mas mapaminsala.

Nakapagtamo man sya ng napakaraming galos ay nagawa pa ring magtagumpay si Harper na supilin ang mga Zarthul na sumunod sa kanya. Pilit na tinahak ni Harper ang nasusunog na kampo nila sa kabila ng mga natamo nitong galos. Kakaunti na lamang ang natitirang binhi ng Arebel na mayroon sya na maari nya sanang gamitin para ipanglunas sa kanyang sarili ngunit pinili nya na itabi ito sa mas nangangailangan.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon