🌪️ 25: Vocal Villainess 🌪️

1.8K 69 29
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Bukang liwayway pa lang ay narinig na nila Kenji at Harper ang mga huni ng maamong hayop na lumilipad sa paligid ng malaking dahong nagsislbing kumot ng dalawa.

"Good morning...." ngiting bati ni Kenji na kanina pa pala gising at pinapanuod lang ang mahimbing na pagtulog ni Harper.

Hindi naman mapinta ang ngiti ni Harper na halatang hindi pa sanay sa ganitong klaseng mga tagpo.

"K-Kanina ka pa gising?" tanong ni Harper na hindi man lang makatingin ng derecho kay Kenji.

"Hmmm... Hindi naman... Pero ang sarap ng gising ko... Lalo ikaw ang una kong nakita..." bulong ni Kenji sabay halik sa ilong ni Harper.

"Hey... Is there something wrong?" tanong ni Kenji.

"Ano lang kasi... Alam mo yun... Ang awkward..." bulong ni Harper.

"I understand.. Hindi naman kita masisisi. Everything went too fast last night. Naisip ko lang kasi na it's the perfect time to tell you what I really feel." pag-abot ni Kenji para hawiin ang buhok na bahagyang tumatakip sa mukha ni Harper.

"Ano bangon na tayo?" yaya ni Kenji.

"O-Okay.. Pero pikit ka muna... Ako muna babangon dito...." nahihiyang pakiusap ni Harper.

"Hahaha! What for? Eh nakita ko na naman lahat yan kagabi?" natatawang biro ni Kenji.

"Kenj naman eh... Sige naaa..." pakiusap muli ni Harper.

"Fine..." ngiting pagpikit ni Kenji nang mabilis na bumukas ang isang bahagi ng dahon at agad na tumayo si Harper para kunin ang mga saplot nya.

"Kinis talaga...." pang-aasar ni Kenji na unti-unting dinidilat nito ang mga mata kahit hindi pa tapos magsuot ng damit si Harper.

"Kenj ano ba!!" asar na pagtawag ni Harper nang hinawi lang nito ang kamay at napalibutan na naman sya ng malalapad na dahon na nagsilbing maliit na taguan nya habang nagpapalit ng damit.

"You know I can easily blow those leaves off diba?" malokong sambit ni Kenji.

"Subukan mo..." asar na sambit ni Harper habang nagsusuot ito.

Pilyo namang hinawi ni Kenji ng kaunti ang kamay nang napatingala si Harper sa taas at napansin ang biglang paglakas ng hangin.

"Kenji sinasabi ko talaga sayo tutuktukan talaga kita..." pagbabanta ni Harper habang nagsusuot ng huling saplot.

"Magpalit ka na rin ah!" bilin ni Harper.

"Wag munaaa...." reklamo ni Kenji.

"Kukunin ko yang damit mo...." babala ni Harper habang nakatago pa rin sa makakapal na dahon nang may narinig silang malakas na pagsabog mula sa malayo na sinundan ng hiyawan ng mga takot na tao.

"Ano yun????!!!" tanong ni Harper nang binaba na nya ang mga dahong tumatakip kanina sa kanya.

Natanaw nya mula sa tuktok ng burol ang usok na nanggagaling sa malayong parte ng kapitolyo.

Lumingon sya sa likod at nakita na nagmamadali na at patapos nang magsuot ng kanyang baluti si Kenji.

Agad syang naglakad papalapit kay Kenji. Kitang kita sa mga mata nya ang pag-aalala.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon