🌿 11: Glimpse of Darkness 🌿

2.2K 87 62
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

Warning

This chapter contains sexual interactions of the same sex. Minors are not allowed to read.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"Harper!!! Ayos ka lang ba???" takot na takot na nilapitan ni Eyo si Harper at tiningnan kung mayroon itong natamong kahit anong galos.

"A-Ayos lang ako Eyo... Ikaw?" tanong ni Harper na nakatitig lang sa hindi pa rin mapakaling si Eyo.

"Eyo..." pagtawag muli ni Harper na nagpatigil na kay Eyo.

"Ayos lang ako. Hindi ako nasaktan..." paliwanag ni Harper nang makita nila ang tumatakbong sila Eretria at Veto.

"Anak! Ano bang pumasok sa isip mo?! Hindi ka kawal ng Parador tulad ng iyong ama!!" pag-aalala ni Eretria. 

"Kaya nga gusto kong maging katulad ni ama. Para maipagtanggol ko kayo." sagot naman ni Eyo bago sya yakapin ng mahigpit ng kanyang ina.

"Ang tapang mo pala Eyo! Bilib na ulit ako sayo!" ngiting sambit naman ni Veto na tiningnan naman ng masama ni Eretria. 

Napatingin naman mula sa malayo si Harper kay Alexius na kausap ang limang Spirius.

"Alexius... Nagagalak kami na makita si Harper. Ngunit kailangan namin maging totoo sayo, sa kalagayan ngayon ni Harper, hindi sya tatagal sa labanan...." pag-uumpisa ni Nolan.

"Nagkamali kami. Inakala namin na handa na sya... " pagsisisi ni Kenji.

"Naiintindihan ko po mga mahal na Spirius. Bigyan nyo nalang sya ng sapat na oras para makapagsanay...." pakiusap ni Alexius pero walang umimik ni isa sa mga kausap nya.

"Sa totoo lang, nawalan na ako ng paniniwala sa propesiya...." pag-amin ni Borj na ikinagulat ni Alexius.

"Ako rin...." yukong pag-amin ni Ram.

"Marahil ay pinadala lang kami ni Aoife dito para pangalagaan at pamunuan ang aming mga lupain..." sabat naman ni Nolan.

"Mas lalo pang lumalakas ang pwersa ni Herod, at nagdududa na rin ako na kahit magsama-sama pa ang aming mga lakas ay hindi pa rin ito magiging sapat laban kay Herod." malungkot na pag-amin ni Gino.

"Hindi po ba dapat ay mas lalo tayong magkaisa ngayon?" makahulugang tanong ni Alexius nang makita ang papalapit na si Harper.

Napaharap ang lahat sa naglalakad na si Harper.

"Harper, mapatawad mo sana kami. Malaking pagkakamali namin na hindi kami nakinig sayo..." lumapit kaagad si Gino at inabot ang mga kamay ni Harper.

"Wag nyo nang isipin yun. H-Hindi naman ako nasaktan." malungkot na sagot ni Harper.

"Mahal na Spirius, kailangan na po nilang bumalik sa kani-kanilang mga lupain." pagsabat naman ni Alexius. Napatingin naman kaagad si Harper sa limang magigiting na mandirigma sa harap nya.

"Iiwan nyo na naman ako?" tanong ni Harper. 

"Hindi namin pwedeng iwan ang mga teritoryo namin. Tulad ng Parador, may mga pag-atake rin na nagaganap sa aming mga lupain. At kailangan namin itong protektahan sa bawat oras." sagot ni Ram.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon