🌿 39: Stuff of Nightmares 🌿

894 53 7
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credits belong to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

"S-S-SA TINGIN MO NATATAKOT AKO SAYO!!!" sigaw ni Gorgon na nakatingala kay Harper na lumulutang pa rin at nababalot ng sobra-sobrang enerhiya.

"Kailangan mong matakot...." mahinang bulong ni Harper nang sa simpleng pagsara lang ng kanyang kamay ay bumulaga mula sa lupa ang mga matutulis na troso na tumusok sa ulo at katawan ng mga Zarthul na nasa paligid ni Gorgon. Walang tigil ang hiyawan ng mga duguang Zarthul hanggang sa unti-unti silang nangamatay.

"Anong nangyayari sa labas?" pag-aalala ni Alexius na sumalubong kila Ivrel, Veto at Heneral Evez.

"Mahal... Si Eyo...." nangingilid na sa luha ang mga mata ni Ivrel nang makita ni Alexius ang akay-akay nilang si Eyo na wala nang buhay.

"Eyo... H-Hindi..." pagkabigla ni Alexius nang yumanig ang kalupaan na tinatayuan nila kasunod nang pagdagsa ng mga natitirang nilalalang ng Parador mula sa nasusunog na kagubatan na inutusan ng isip ni Harper na sumilong sa palasyo para sa kanilang kaligtasan.

"Takbo!!!" sigaw ni Heneral Evez nang biglang sumabog ang lupa at agad na lumitaw ang mga higanteng sanga na nagsilbing pananggalang sa natitira sa palasyo. Napatingala nalang sila Heneral Evez sa tayog ng mga sangang mabilis na bumalot sa buong palasyo.

"Ha-Harper...." nanlaki ang mga mata ni Alexius nang matanaw sa malayo ang nagbabalik nilang spirius. Hindi pa nila nakitang magpamalas ng ganitong klaseng lakas si Harper simula ng nag-umpisa ito ng pagsasanay.

"Binubuhos na ni Harper ang lahat ng meron sya...." bulong ni Alexius na napaurong ang lakad dahil na rin sa tindi ng enerhiyang kumakawala mula kay Harper.

"GINAGALIT MO TALAGA AKO HA!!!!" sigaw ni Gorgon nang pabilis ng pabilis nyang inikot ang kanyang sandata na lumikha ng malakas na hangin sa ibaba. Buong lakas na ang binubuhos ni Gorgon para mapaslang na ng tuluyan ang makapangyarihang spirius na bumababa na mula sa pagkakalutang.

"DUDURUGIN KITA NG BUHAY!!!" sigaw ni Gorgon nang binato nito ang kanyang sandata ngunit ilang metro pa lang ang naaabot nito ay biglang lumitaw at sumalubong sa kanyang mapanganib na sandata ang mga lumulutang na dahon sinamo ni Harper

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DUDURUGIN KITA NG BUHAY!!!" sigaw ni Gorgon nang binato nito ang kanyang sandata ngunit ilang metro pa lang ang naaabot nito ay biglang lumitaw at sumalubong sa kanyang mapanganib na sandata ang mga lumulutang na dahon sinamo ni Harper. Bawat dahon ay ubod ng tulis kaya't agad nitong napulbura ang sandata ni Gorgon kahit na ito'y gawa sa matibay na bakal.

Nanlaki ang mata ng halimaw sa pagkagulat ng walang kahirap-hirap na nawasak nito ang kanyang bantog na sandata na dati'y kinatatakutan sa buong Abes.

"PAGBABAYARAN MO ITOOOO!!! SUGOOOOD!!!" malakas na utos ni Gorgon nang buong bagsik nitong pinamunuan ang pagsugod ng mga Zarthul at Gargulas laban sa nag-iisang si Harper.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon