🔥 26: Deadly Desert 🔥

1.4K 73 12
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Disclaimer

I don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

Harper's POV

Kanina pa ako lakad ng lakad dito pero bakit parang wala atang dulo tong disyertong to??!!

Pagod na koooo...

Halos mapanganga na ako sa pagod dahil sa sobrang init. Yung totoo? Extension na ba to ng impyerno??!!

Matapos ang ilang oras na paglalakad, sa wakas ay may natanaw na akong mga maliliit na kabahayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos ang ilang oras na paglalakad, sa wakas ay may natanaw na akong mga maliliit na kabahayan.

"Sa wakaaaas!!!" napalakas na sabi ko nang nagmadali na akong maglakad papunta sa isa sa mga payak na bahay.

Pero nawala ang pagmamadali ko nang may narinig akong parang may umiiyak na hayop.

"WALA KA TALAGANG SILBI!!!" sigaw ng isang lalaki mula sa malayo.

Naglakad ako ng maingat hanggang sa nakita ko ang isang matandang lalaki na may hawak na isang malaking patpat at walang tigil na hinahampas ang isang nakakadenang hayop.

Kitang-kita ko ang kalunos-lunos na lagay nito na halos buto't balat nalang.

Kaya't hindi ako nag-atubiling pigilan ang matanda.

Inabot ko ang kamay nya nang akmang hahampasin na naman nya ang kawawang hayop.

"SINO KA???!!! BITAWAN MO KO!!!" sigaw sakin ng matanda.

"Hindi!!! Hangga't hindi mo binibitawan yang patpat na yan sa kamay mo, hindi ko rin papakawalan tong braso mo!!!" pagbabanta ko.

"At sino ka para pagsabihan ako kung anong gagawin ko sa alaga kong Varen???!!!" bulyaw sakin ng matanda.

"Hindi ko kailangang sabihin kung sino ako. Ang importante ay pakawalan mo sya..." sambit ko.

"At kung hindi ko gawin??? Anong gagawin mo sa akin??? Sa liit mong yan, sigur----AAAAAAAHHHHH!!!!" hiyaw nya nang pinilayan ko ang braso nya na naging sanhi nang pagbitaw nya sa hawak nyang patpat.

"BABALIKAN KITA!!!! TANDAAN MO YAN!!!" sigaw sakin ng matanda habang inda-inda ang napilay nyang braso.

Agad syang tumakbo palayo.

"Wag ka nang babalik dito pota ka!" inis kong sagot nang pinulot ko ang patpat nya at binali ito sa gitna at binato sa bwiset na matandang yun.

Agad akong bumaling sa naghihinalong Varen.

Madali kong nakalas ang kadenang nakasakal sa leeg nya at duon ko nakita na may mga natamo rin syang sugat roon.

Nakakatakot man ang panlabas nitong anyo, naramdaman kong mabuti itong nilalang.

ETERNIA (Fantasy BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon