Kabanata 4

2.3K 141 34
                                    

#ConcedeKab4 Enjoy and leave a vote!

Habang nag-aasikaso ako ng susuotin ko ay pumasok si Melonie sa kwarto ko at prenteng humiga sa kama.

"Mare, may tanong ako..." aniya habang nakatitig sa kisame.

Nagkasalubong ang mga kilay ko bago nagpatuloy sa pagtingin sa salamin kung bagay ba ang suot kong tuxedo.

"Ano 'yon?"

"Kailan natin nanakawan si Pepito? Patay na siya, 'di ba? Na sa 'yo 'yung susi niya."

Nagkibit balikat ako. "Kahit huwag na. Atras na ro'n. Nananakawan ko naman 'yung isang nasa club, nalimutan ko na name agad."

Sinuklay ko ang hanggang gitna ng likod kong buhok habang nakatingin sa repleksyon ni Melonie na ngayon ay nakaupo na.

"Ah okay, akala ko kasi ngayong gabi rin natin gagawin." She chuckled. "Maghahanda sana ako ng outfit para ro'n..."

Hinarap ko na siya habang ngayon ay tinatali ko papusod ang aking buhok. Sinipat ko ng tingin ang kabuoang suot niya. She's wearing a casual puff sleeves mint green crop top and white mini skirt. She looks really hot with those.

"Ang ganda mo naman masyado? Baka type mo rin si Mezcal, ah?" I raised my brows.

"Duh, type ko silang dalawa." She rolled her eyes pa.

Humalakhak ako. Kung ako si Rum ang gusto at si Sera ay si Mezcal naman, itong si Melonie ay parehas silang gusto.

Well, Mezcal has these foreign Middle Eastern eyes or they describe it as parang pang-arabo. His thick eyebrows and long eyelashes are just captivating, na mas nagpapadagdag ganda sa mga mata niya. I can't remember his physical feature that much but his eyes really caught my attention.

Alas onse na ng hatinggabi nang umalis kami sa basement para tumungo sa sinabing club ni Sera. Ro'n daw pupunta sina Rum. Hindi ako familiar sa club na 'yon or hindi ko lang talaga naalala kaya bahala na si Melonie sa direction.

"Nasaan na sina Rum?" tanong ko kay Sera.

"Rum is still in his bed. May inaasikaso ata sa laptop. Wala na si Macy, umalis na ata kanina pang lunch." She giggled.

Naalala ko tuloy 'yung ginawa kong pagtawag kay Rum kanina. Wala siyang magagawa kung 'di sumuko dahil hindi talaga niya mata-track ang location namin. At kahit malaman niya kung nasaan ako ay hindi niya ako mapalalabas dito o mapapasok.

"I texted Macy using Rum's number and sinabi kong mauna na siya para maka-enter na rin agad si Melonie pagkarating niyo riyan."

Tumango-tango ako. She's really attentive. May sagot agad siya kahit hindi pa ako nagtatanong. We can really get Rum tonight or maybe by tomorrow, because he has no choice but to go with us.

Pagkarating namin do'n ay sinasalubong ng malakas na tugtog ang aming mga tainga. Hindi naman sa pagrereklamo pero bakit ang dami naman atang guards sa entrance? Ang haba tuloy ng line.

"We're here..." si Melonie.

Dumiretso ako sa gilid ng club papunta sa back door para mag mukhang security slash waitress. Pero mas maganda kung magiging security ako para mas nakakapag-observe ako sa paligid ko.

Bago ko iniwanan si Melonie sa entrance ay nagkunwari siyang hinimatay kaya ewan ko na lang kung paano siya makakapasok do'n. Marami naman siyang way palagi.

Pagpasok ko ay lugar ng mga bartender ang bumungad sa akin. Puro sila lalaki. May middle-aged at may late 20's. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa bago ngumisi.

Concede (Âme Manquate Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon