Kabanata 12

1.7K 83 9
                                    

#ConcedeKab12

Hindi na rin nagtagal sina Mommy sa table kung nasaan kami dahil kinailangan pa nilang i-accomodate 'yung iba pang mga bisita. Lalo na para kina Calix. Kaya naiwanan kami ni Rum do'n na magkatabi at tahimik.

Tanging ang malamig lang na simoy ang hangin ang pinaghahatian namin. Malapit na rin dumilim dahil mag-aalas-sais na rin. Kanina pa pala kami nandito.

Somehow it feels like home. 'Yung home na gusto ko manatili sana pero hindi ako bagay. Hindi ito 'yung gusto kong buhay. 'Yung bagay sa totoong ako.

Sa loob ng ilang taon kong pagiging con-artist at assassin. I portrayed a lot of persons to make a living. Kahit isa ro'n ay wala akong na-feel na ako. At hindi ko maipipilit na maging ako 'yon. Kaya hindi ko rin maaring ipilit na manatili na lang din dito.

Ako na kasi 'to. Ito na 'yung katauhan ko. I have to sacrifice a lot for myself. We only live once. I just think I should do the best out for myself.

"Your family is nice..." He smiled as he watches them.

Hinipo niya ang braso niya dahil sa lamig. He seems to enjoy here. Mukhang mahilig nga siya sa ganitong events. Sa family. Magkaiba talaga kami ng gusto sa buhay. He's on the good and peaceful life.

"Yeah..." tipid kong sagot habang nakatitig din kina Calix na masayang nakikipagkwentuhan sa iba pang mga bisita.

"I'm just curious... if you're not comfortable on answering it, just tell me..." He looked at me, "Bakit mo mas pinipiling i-ignore 'yung pamilya mo? I mean, they are this good. Yet I felt somehow you're taking them for granted." Seryoso siya ro'n na parang gusto niya marinig ang aking sagot.

Nagtiim-bagang ako at mahinang napasinghap. That's too deep to answer. Marami kasing hindi nakakaintindi sa dahilan ko. They think it's invalid. Na hindi dapat 'yung dahilan ko para i-ignore ang mga magulang ko.

Para iwanan ko sila. Hindi rin naman naging madali sa akin lahat, e. Pero gusto ko maramdaman 'yung sarili ko... sa paraang alam kong mararamdaman ko 'yon. Hindi naman 'yon siguro pagiging selfish. It's about choosing myself, what's the best for me.

"I set them aside for myself. Para na rin sa kanila. Masyadong malayo 'yung mundong gusto ko sa mundo kung nasaan sila ngayon. Ayaw ko sila dalhin sa hindi sila bagay... kaya sana gano'n din sila sa akin. I don't feel like I belong here... 'yung pagkatao ko hindi bagay rito." Tipid akong napasinghap ulit bago umiwas ng tingin.

I stared at them once again as they laugh. I once involved myself with my sister... I somehow brought her into my world. Then that happened... she was brought into the world she doesn't belong. And she's gone now.

Napasinghap ako at nilingon ulit si Rum na maamong nakatitig pa rin pala sa akin. His pair of deep eyes are too open to show what he feels right now. Hindi ko alam kung naaawa siya sa akin o nalulungkot lang siya sa sinabi ko.

"Na-feel ko tuloy na... marami kang sinuko para sa gusto mong mangyari sa sarili mo." He sighed deeply and looked away.

"I didn't think that you're this kind of person. Akala ko... wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. That you're ruthless, you made yourself to be seen that way. Akala ko makasarili ka o sarili mo lang iniisip mo. Dahil gano'n naman talaga sa underorganization... pataasan at palakasan. Iba ka pala." He smiled softly as he stares at them.

"I am really that bad. I'm ruthless and selfish. But not in the way they think it is... Gusto ko talagang maging ganito. Ito 'yung gusto ko para sa sarili ko kaya ako umalis sa puder nila. Ayaw kong madamay sila sa pagiging ganito ko."  I pursed my lips and hugged myself as I sighs.

Concede (Âme Manquate Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon