Kabanata 5

2.7K 130 31
                                    

#ConcedeKab5 Enjoy and leave a vote!

Idinantay niya ang kaniyang braso sa bar table habang nakatitig sa akin. Hindi ata siya makagalaw sa sinabi ko. Masiyado rin akong malapit sa kaniya. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga na bumabanda sa aking kamay.

Bumaba ang mga mata niya sa labi ko pero muli niya rin 'yon ibinalik sa aking mga mata. I guess this is how he uses his charm. It's working. Pero hindi niya ako mahuhuli na para bang ako ang binibitag niya sa sarili kong pain.

"What now, Rum?"

Binasa niya ang kaniyang mga labi. Unti-unting umangat ang gilid ng kaniyang labi. "What if I don't want to?" umigting ang kaniyang panga. "Paano kung may solusyon na ako sa pinantatakot mo sa akin?"

Muli kong iginala ang aking kuko pababa sa kaniyang baba. "Paano kung alam ko rin kung ano 'yon pinaplano mo?" I smirked playfully.

Nanliit ang mga mata niya na para bang sinusuri kung makikita 'yung iniisip ko mula sa aking mga mata.

"Are you spying on me?"

"I am doing what I have to do, Rum. Walang personalan..."

Ang kaninang magpalaro niyang mga mata ay unti-unting nagbago ang tindig. There was a dark aura in his eyes. Ibang-iba ang pakiramdam kapag nagbabago ang kaniyang paninitig. Parang palaging may dulot itong kung anong hindi mabuting bagay.

"Ano naman ang ipapagawa mo sa akin?" bahagyang tumaas ang kaniyang mga kilay.

"Hindi naman mahirap. Hindi rin kita paparusahan o sasaktan. You just have to do everything I say." Tipid akong ngumiti. "Pretty simple, right?"

Mukhang hindi siya nakuntento sa sinabi ko kaya nanatili lang siyang seryoso. Pero sa tingin ko ay may iniisip siyang dapat niyang gawin.

"Kung ayaw mo naman ay puwede ko namang idamay si Macy rito..." muli akong ngumisi nang nakakaloko.

Napaatras na siya sa sinabi ko. "No, don't you even try touching her. Haniriam, I am really warning you..."

I rolled my eyes as if I'm afraid of his threat. "Wala akong pakialam sa warning mo, Rum. I need your answer... it's just a simple yes or no question hindi mo pa masagot."

"I will agree with some conditions."

Nagtaas ako ng kilay nang bahagyang naging mapanghamon ang kaniyang mga mata.

"Walang sexual things... don't ask me to have sex with you. No kissing. No touchy." Humalukipkip siya dahilan para mas maging nakakaakit ang kaniyang posisyon ngayon.

Muli kong pinaikot ang mga mata ko. "Anong sa tingin mo ang habol ko ay ang katawan mo? Mukha ba akong naglalaway sa'yo?"

"Medyo..." ngumisi siya. "Parang may balak ka sa aking hindi maganda."

"Huwag kang feeling." I look at him with disgust on my face. "Maraming kasing gwapo at kasing laki ng katawan mo. Hindi ka unique..."

"You're so defensive, ma'am. You're making it too obvious..." he chuckled teasingly.

I scoffed, hindi makapaniwala sa sinabi niya. "E kung suntukin ko kaya 'yang mukha mo ngayon para maalog 'yang utak mo?" iritado kong sabi. "Ang kapal mo naman..."

Mas lumapad ang ngisi niya. "No comment, Ma'am," pang-aasar niya pa lalo kaya nairita ako.

Umiling ako. This guy is unbelievable. Hindi ako dadating sa point na uutusan ko siyang makipag-sex sa akin. Kung darating kami sa puntong mararamdaman namin 'yung intimacy mula sa mga mata pa lang, why not? Pero hindi ko siya pipilitin.

Concede (Âme Manquate Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon