Kabanata 11

1.5K 87 8
                                    

#ConcedeKab11 

Bahagyang naging awkward ang aking ekspresyon at hindi makapagsalita dahil sa sinabi niya. It's not that I doubt him, because it sounds so sincere. If my eyes can't lie, his eyes can't as well. Parang ang uncomfortable lang nang kaonti. Na sa kaniya galing 'yon.

I slightly stepped backward.

Kaagad siyang tumikhim. "But... it was just my suggestion. Kung kaya mo naman magpunta mag-isa, o hindi ka pupunta... ikaw naman bahala." May hiya na sa boses niya.

Bakit hindi ako makapagsalita? Fucking mouth. Kaya ayaw ko ng napag-uusapan ang pamilya ko, dahil nagiging emosyonal ako. Nagiging mahina ako. Kaya nga ako umalis sa puder nila, e. Dahil nahaharangan nila 'yung gusto ko maging ako.

I shouldn't be weak. That's not what I wanted for myself.

Nahimigan ko sa kaniyang ekspresyon ang kung anong pagkataranta. Hindi kasi ako nagsasalita.

"Sorry... I think I made you uncomfortable." Napakamot siya sa ulo niya at saka binasa ang kaniyang labi habang hindi makatingin sa akin nang tuwid.

"Okay lang. Sana lang ay 'wag mong gamitin 'yung pamilya ko laban sa akin. We shouldn't be involving someone who is not part of this..." Fuck, I overthink.

Why did I say that? Mas pina-awkward ko lang 'yung sitwasyon. Naghahalo kasi sa isip ko 'yung kaonting doubt ko sa ginawa niya. And at the same time, ayaw ko siyang ma-include sa personal matters ko.

Mas lalong nahiya ang kaniyang mukha dahil sa sinabi ko. Sinubukan niyang gawing matapang ang kaniyang ekspresyon pero hindi 'yon lumabas na gano'n sa akin.

He hesitantly nodded as if he made a mistake. "Yeah..."

Tumikhim ulit siya at lumabas na lang ng kwarto. He looks so shy. Does he mean it? Does he really care about me? Alam ko kasi 'yung pakiramdam na totoo o sincere 'yung nararamdaman pero binaliwala 'yon o na-misunderstand. Well, whatever.

"Mukha siyang nahihiya, Han..." May kaonting tawa sa pagsasalita ni Sera.

"Feeling ko concern talaga siya. Kaya no'ng sinabi mo 'yon naging gano'n 'yung reaction niya. Na-question 'yung validity ng care niya..." Melonie chuckled meaningfully.

"Wala naman pakialam si Han kahit may care siya o wala." Mahinang natawa si Sera.

I usually don't care about someone's feelings unless they are my friends. But now, I kinda feel guilty about it. Ayaw kong mag-sorry dahil it's actually normal for me to doubt someone's care without knowing their true intention. Pero... oo, nagi-guilty ako.

Napatingin ako sa aking phone nang nakita ko ang text ni Mommy. Pero si Kuya ang nag-text no'n.

Mommy: Han, sana makapunta ka sa engagement party ko. Gusto kita mapakilala sa magiging asawa ko. Hmm? I hope I can see you later.

Napatitig ako sa text ni Kuya sa akin at sa baba no'n ay 'yung address kung saan gaganapin 'yung party niya. He even bothered to text me. They really want me there. Mas dumagdag lang 'yung nagpa-bother sa akin.

"So, pupunta ka na?" si Sera sa kabilang linya.

I sighed. "Fine... I'll go. Isasama ko na si Rum. Nabo-bother din ako sa sinabi ko sa kaniya. Let's just make this simple. Nakakainis, e. Kapag mas pinipigilan ko, mas humihirap."

"Sasabihan mo si Rum?" sabi ulit ni Sera sa nanghuhulang tono.

Hindi ko na siya sinagot at sinundan na lang si Rum. Nadatnan ko na siya na bumalik sa pagkain. Nag-angat lang siya saglit sa akin ng tingin bago binalingan ulit ang kaniyang pagkain.

Concede (Âme Manquate Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon