Kabanata 6

1.5K 84 7
                                    

#ConcedeKab6 Enjoy and leave a vote!

"Alam kaya ni Rum 'yung tungkol kay Macy?" Napatingin kami kay Melonie nang sabihin niya 'yon.

Nangunot ang noo ko habang nakasandal backrest ng sofa. Kung alam ni Rum 'yun... ibig bang sabihin may iba pa siyang alam? Gusto ko 'yan alamin. Pero kung alam niya 'yon, pinoprotektahan niya kaya si Macy kaya ayaw niya pa ring lubayan?

"I'll research more about that. Or Han can investigate that, too. Hindi kasi natin sure kung anong balak ni Rum kung bakit siya pumayag sa gusto ni Han. Panigurado ay may catch din..." Tumitig saglit sa akin si Sera bago binalingan ang mga screen sa kaniyang harapan.

"Aalamin ko 'yan. Pero hindi na muna ngayon. Dahan-dahan ko 'yan aalamin para maging maganda rin ang flow ng plano natin. Kailangan natin mapagtagumpayan 'tong mission na 'to. Last naman na 'to... focus na lang tayo sa pagkita para mabuhay." I crossed my legs then sighed.

Tumango-tango si Melonie. "Kailangan ka namin talaga tulungan dito. Kaso... anong oras pala kayo magkikita ni Rum ngayon?"

It's 5 a.m. Should I call him?

"So, do'n ka na talaga titira sa unit niya? Sure ka ba? Magiging housewife ka na ba? Ano naman gagawin niyo ro'n dalawa?" sunod-sunod ang mga tanong ni Melonie habang nakangising aso.

Mahina akong natawa at napailing. "'Wag kang ganiyan. Iniisip ko pa lang siyang nakikitang natutulog parang gusto kong picture-an."

Humalakhak si Melonie habang si Sera ay umiling-iling.

"Nako, aarangkada na ang pagiging maharot ni Han. Pero alam ko namang saka mo na 'yon iisipin kapag naayos mo na 'yang dapat mong gawin..." sabi ni Sera habang nakatingin sa screens.

"Oo, freebie na lang siguro 'yung makakasama ko siya sa unit niya. He's really my type." Ngumisi ako. "Pero kahit type ko siya, walang makakapigil sa paggamit ko sa kaniya."

"Paano pala si Macy na? Ano nang gagawin sa kaniya? Feel mo ba tina-track ng Del Mentinez 'yung ginagawa natin? Tapos nakabantay pa 'yung team nina Rum..." Bahagyang nakanguso si Melonie.

I licked my lips and rest my head. "Hmm... panigurado naman 'yan, Melonie. Sigurado akong marami silang binabalak para mapabagsak tayo o ako. Pinagtutulungan na nga yata tayo." May kung anong mapaglarong tono sa boses ko.

Sera chuckled. "Precisely. Rum just blocked my access to his unit. Wala na akong makitang kahit na ano. Mukhang pinaghahandaan niya rin 'yung pagpunta mo ro'n." Nilingon kami ni Sera.

Napakunot ang noo ko at napatayo para puntahan si Sera. "What? Wala ka ng ma-access? We can try another code to access it, I know you can hack it." Tinitigan ko ang screen na naka-itim na ngayon.

"He's preparing something, too. Masyadong nahalata dahil kagabi kayo nagkaroon ng agreement tapos ngayon nawalan ng access si Sera sa cameras," sabi ni Melonie habang nakatingin din sa screen.

Nagkatinginan kami ni Sera. "I can access the camera of the building. I can use it to roam around. Makakapasok pa rin ako sa unit niya."

Tumango-tango ako. Ako na lang din nabibilib sa teknolohiya. Kaya i-hack ni Sera 'yung system ng condominium para makita 'yung kabuoan ng lahat ng unit. Pwede niyang ma-i-focus sa loob ng unit ni Rum. He didn't expect that, huh?

Sinarado niya lang 'yung access namin sa gadgets niya. Pati sa camera niya sa living room. Pero bigla kong naisip... Del Mentinez let his daughter's phone be traceable? From there namin na-access 'yung camera kaya namin sila nakita ni Rum na naghahalikan. That's odd.

"Bigla akong may naisip..." Napatingin silang dalawa sa akin.

"Feel ko hindi lang tayo 'yung binlock ni Rum. Pakiramdam ko rin kasi na kilala ng Del Mentinez si Rum at kung anong trabaho niya. Binabantayan din nila siguro si Rum dahil umaaligid kay Macy." Mahina akong natawa.

Concede (Âme Manquate Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon