Kabanata 9

1.6K 85 12
                                    

#ConcedeKab9 Thank you for reading! Leave a comment and vote!

[Warning: R-18]

_

Madiin ang paghawak ko sa manibela habang nagda-drive. Anong gagawin ni Rum ngayong ako na ang kikilos? Minamaliit niya rin kaya ang kaya kong gawin dahil na-outsmart niya ako at iniisip niyang 'di hamak na isa lang ako sa listahan ng mga babae na attracted sa mukha niya?

"Take it easy on the speed, Han..." Sera said in a joyful tone.

Bigla akong nahimasmasan nang narinig ko muli ang boses ni Sera sa kabilang linya. I'm getting too immersed in my emotion. Pero mas gusto ko 'to, para pagkarating ko ro'n ay sa kaniya ko lahat ibubuhos ng inis ko mula kanina pa.

Pagkarating ko sa tapat ng unit niya ay gusto ko na lang wasakin 'yung pinto niya. I gritted my teeth. I clenched my jaw. Bumalik lalo 'yung inis ko ngayon at mas naramdaman ko dahil pinto na lang ang naghihiwalay sa amin.

Instead of ringing the doorbell I punched the door thrice. Gusto ko ibuhos sa pinto niya 'yung inis ko sa kaniya.

Bumungad ang nakakunot at bahagyang iritado niyang mukha sa akin. "I have a doorbell for a purpose."

"I don't fucking care, Rum Mallari." Madiin ang boses ko at pinaramdam ko na talaga sa kaniya 'yung inis ko sa ginawa niya kanina.

I pushed the door making him stepped backward unintendedly. "Calm down, Han." His voice remained calm.

Dumeretso ako sa tapat ng couch niya at saka siya nilingon nang naisarado na niya 'yung pinto. Magkasalubong ang makapal niyang mga kilay saka siya humalukipkip sa akin.

"What do you want to talk about, huh?" Nanunumbat ang boses ko. "Ilabas mo na 'yung mga tinatago mong kakampi rito. Baka mamaya bigla na lang akong tutukan ng baril dito."

He frowned. "We don't have to talk about something. Hinihintay lang kitang magpunta rito. Tinext ko 'yon para bumalik ka rito..."

I huffed loudly. I walked towards him. "So, ito 'yung plano mo? Gusto mo ako i-turn in tapos isa ka ng magiting na agent?"

Bahagya ko siyang tiningala habang hinihingal dahil sa inis. Nakahalukipkip lang siya at nakakunot ang noo sa akin. Mukhang hindi na rin siya natutuwa dahil galit ako ngayon.

"I'm just doing my job, Han. Anong gusto mong gawin ko pakasalan ka?" he said sarcastically.

"Hindi kita kinikwestiyon sa ginawa mo, 'wag kang tanga. Marry my ass, Rum Mallari. Wala akong pakialam sa trabaho mo. Sinasabi ko na ito pala 'yung plano mo... ito pala 'yung gusto mong mangyari? Minaliit mo ako dahil alam mong may kailangan ako sa 'yo at attracted ako sa mukha mo?" I shouted at him.

Napakamot siya sa ulo niya at mukhang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko ngayon sa kaniya. Saluhin niya 'tong lahat ng inis ko sa kaniya.

"You're being ridiculous, Haniriam. We are both risking here. I'm in danger and you are in danger. There's no gain without pain. You have to understand that logic." Tunog nanunumbat na rin ang malaki niyang boses.

Napailing-iling pa siya at natatawa. "At... hindi kita minamaliit, okay? I have my plans and you have, too. Bakit ka nagagalit kung meron akong plano? Because we almost caught you a while ago? 'Yon ba ang kinakagalit mo ngayon sa akin? Hindi ko maintindihan kung bakit ka galit na galit ngayon? First time mo lang ba ma-experience 'yung gano'n?" Bahagyang nakakunot ang kaniyang noo.

"I'm disappointed with myself. Sa 'yo ko lahat binubuhos. Bakit, may problema ka?" Tinulak ko siya sa dibdib pero hindi niya 'yon ininda.

He chuckled softly. "If you're mad about it, we could just cut this deal off, Han."

Concede (Âme Manquate Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon