03

13.2K 582 122
                                    

Malamig na umaga sa lahat. Enjoy reading! Lovelots!

_________________.

Louisse

Naghahanda ako ng tanghalian ng bumaba si Raven.

"Aftiee, kamusta tulog?" napakamot naman siya sa batok niya.

"Sorry napasobra ata ako. Napasarap eh" natawa naman ako.

"Mabuti na yung nakapagpahinga ka, hindi rin biro ang mga natamo mo kahit puro gasgas at sugat lang ito"

"Yeah, thank you again" iminiwestra ko nalang sakanya ang upuan bago umupo. Tahimik lang kaming kumain ng tumunog ang phone ko.

Agad ko naman itong sinagot ng si inay ang tumatawag.

"Nay, napatawag ho kayo? Kamusta po si itay?"

"Maayos na anak at eto na nga, pwede na siyang madischarge mamaya" napangiti naman ako.

"Mabuti naman po. Susunduin ko na po kayo---

"Wag na anak, kaya na naman namin" napabuntong-hininga nalang ako.

"Oo na po, di na ako mamimilit. Ingat po kayo"

"Sige anak" si inay na ang pumatay ng tawag. Nagpatuloy naman ako sa pagkain.

"So" napatingin naman ako kay Raven

"How's your father?"

"Ayun. Okay na siya, hindi gaano kaseryoso ang natamo niya"

"Mabuti naman" ngumiti naman ako at tumayo.

"Tapos ka na ba?"

"Ah yes, thank you" niligpit ko na ang mga oinagkainan namin.

"Louisse?"

"Hmn?" Naghuhugas ng pinggan kong sagot.

"Iilan kayong magkakapatid?" Mahiba naman akong natawa.

"Only child lang ako."

"Ah, that's explain why you are alone...ahmn here...now" napatingin naman ako sakanya.

"Did I say it offendable? Sorry, that's not what I really meant" nginitian ko naman siya.

"Haha, no need to explain, naiintindihan ko yung gusto mong sabihin" pinatulo ko na muna ang plato bago nagpunas ng kamay at humarap sakanya.

"Kamusta pakiramdam mo?" Ngumiti naman siya.

"Better, better than earlier. Thank you" natawa naman ako. Puro salamat nalang tong gagong to eh, dapat kiss, charot haha!

"Tama na kakasalamat Ven" napakunot noo naman ako ng nanatili lang siyang nakatingin saakin at nakangiti.

"Hoy! Anyare sayo?"

"A-ah. Wala, I just like how you give me a nickname"

Nickname? Ha?

"N-nickname? N-nagbigay ako? Kailan?" Dahan-dahan namang nawala ang mga ngiti niya.

"Just now. Ven right?" Napatampal naman ako sa noo ko.

"Ven, short for Raven, ganun lang"

"Kahit na, no one make my name shorter or give me pet names"

Napataas naman ako ng kilay.

"Fiancee mo pala?" Nagbago naman ang mood niy kaya natiklop ko nalang ang bunganga ko.

"Ahmn, nevermind. Tara sa likod, masarap ang hangin doon" tinuro ko ang pintuan papunta sa bakuran namin at nauna ng maglakad.

Umupo siya sa upuan kahoy doon habang humiga naman ako sa duyan.

Bachelor Series 4: Jeopardize Heart [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon