11

11.1K 537 13
                                    

Malapit-lapit na tayo sa katapusan mga blues haha! Mas sumisipag kasi akong magsulat pag nasa climax na eh hahaha. Enjoy reading!

________________.

Louisse

"There is only one thing in this world that is suppose to conquer all. This is love. We see it everyday in the faces of our loved one's, our childrens and our partners"

"Love is patient and kind. Ang pagmamahal ay hindi minamadali, kusang binibigay at buong pusong inaalay. Minahal tayo ng Diyos ng buong-buo at walang inaasahang kapalit. Ayon pa nga sa John 3:16, For God so love the world that he gave his one and only son."

"It is not jealous or conceited or proud; love is not ill-mannered or selfish or irritable. Pag nagmamahal tayo binibigay natin lahat, na minsan wala ng natitira saatin. Si Hesus. Inialay niya ang buhay niya para saating lahat.  He loved us so much and chose to love us that they beat him, tortured him, tempted him, even those that he loved and had compassion for spat on him and yet he still chose to love us. He still walked carrying that cross and died for all of us!"

"There are only two commandments that Jesus shared with us. To Love your God with all you mind, body, and soul. Then he said the next greatest commandment which was to Love one another as yourself. Love is not a choice. Jesus is not making a suggestion nor making a recommendation. He said this is a commandment, to love."

"Love does not keep a record of wrongs; love is not happy with evil, but is happy with the truth. Ang pagmamahal ay isang tapat na birtud. Walang magtatagal sa pagmamahalang walang katotohanan, walang kasiguraduhan, at walang patutunguhan. Love never gives up; and its faith, hope, and patience never fail. Mga kapatid, tapat nating tanggapin at mahalin ang ating Diyos sa ating puso. Papasukin natin siya sa ating puso at tanggaping personal na manluluwas, pagkat ang pagmamahal niya saatin ay walang makakatumbas"

"Maliban sa pagmamahal sa Diyos. May iba ring sangay pa nito. Pagmamahal sa kapwa, sa pamilya, at sa taong nilaan saatin ng Diyos." Pinagsiklop ko ang mga kamay ko.

"Sino-sino na ba ang may nga kasintahan diyan?" Medyo nag-ingay naman sa loob kaya mahina akong napatawa.

"Mga bata nga naman oh. Walang masama diyan, walang masama sa pagmamahal. Kasi minsan, someone comes into our life so unexpectedly, takes our heart by surprise, and changes our life forever. Just like Jesus." Napangiti naman ako

"Kaya mga kapatid wag tayong matakot magmahal o tumigil sa pagmamahal. Dahil ang Diyos kailanman hindi sumuko. Bigyan natin ng malakas na palakpak ang Panginoon" nakangiti at malakas kaming pumalakpak.

"Salamat, at nawa'y may mga puso akong nabuksan sa seremonyang ito"

__________________.

Magaan ang puso na naglalakad kami palabas ng simbahan.

"Kay gandang mensahe na naman ang ating narinig" napatango-tango naman ako sa sinabi ni inay.

"Louisse? Kayo pala iyan!" Napatingin naman ako sa tumawag saakin at napangiti.

"Kapitana, ikaw ho pala" tinapik-tapik niya naman ako sa balikat.

"Hindi talaga kumukupas ang ganda mo Lou" nahihiyang napatawa naman ako

"Ang ganda niyo po talaga magbiro kapitana eh"

"Ewan ko sayong bata ka. May kasama pala kayo? Ito na ba yung boyfriend mo?" Napaubo naman ako.

"Opo ako nga po" mas napaubo pa ako ng sumagot si Ven

"Okay kalang ba anak?" Binigyan ko lang ng thumbs up si inay

"Naku, may paubo-ubo ka pang nalalaman eh. O siya mauna na ako, wag mahihiyang lumapit saakin kung may problema ah" kumaway lang ako at ngumiti kay kapitana.

"Oh anak, sasabay na ba kayo saamin o mauuna na kami?" Napatingin naman ako kay Ven at Inay.

"A-ah, mauna nalang po kayo nay"

"O sige" natatawa naman akong sumenyas si itay na 'I am watching you'.

Inihatid ko sila sa sikad na nakapark sa harap.

"Ingat po kayo nay, tay! Kuya, wag ho masyadong mabilis ang pag-drive"

"Opo" ngumiti lang ako at kumaway sakanila.

Napabaling ako kay Venng akbayan ako neto.

"Fiesta na sa susunod na araw, makakaabot ka pa kaya?" Ngumisi naman siya.

"Kahit sa susunod na taon pang fiesta" natawa naman ako

"Baliw!













Andito ulit kami sa tambayan namin.

"If everything will be okay and things will go back to where its left. Can you promise me that you'll never let go of this hand?" napatingin naman ako sakanya ng ipagsiklop niya ang kamay namin

"Ven..."

"Mia kara, we dont know what future holds for the both of us, or where will this lead us but--

"Ven makinig ka saakin, okay?" Napatigil at tumango-tango naman siya.

Kinalas ko ang hawak niya bago hinaplos ang mukha niya.

"Walang kasiguraduhang magtatagal ang meron saatin ngayon. Ven, w-wala tayong basehang pinanghahawakan na magtatagal ito, wala tayong karapatan na ipaglalaban kasi, wala lang ito. It may sound so confusing pero alam kong naiintindihan mo. Hindi ko maipapangako na hindi ko bibitawan ang mga kamay na toh" hinawakan ko ang mga kamag niya at dinala ito sa labi ko.

"Kasi hindi naman ito saakin, in the first place. Ven, pipiliin ko ang mas tamang gawin kung dadating man ang araw ng reyalidad" napakagat-labi ako at napahinga ng malalim.

Pinilit kong ngumiti at sinapo ang mukha niya. Magaan kong dinampian ng halik ang mga labi niya bago siya niyakap.

"Ven, pwede bang wag mo munang isipin ang mangyayari sa hinaharap? Pwede bang kahit sandali kalimutan mo muna ang totoong mundo mo? Dito ka muna saakin" mariin naman akong napapikit ng gantihan niya ako ng isang mahigpit na yakap.

"Dito lang ako Mia kara."

Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang magiging madamot ako. Ngayon lang Lord, patawarin niyo po ako.

__________________.

We love because God first loved us. If we say we love God, but hate others, we are liars. For we cannot love God, whom we have not seen, if we do not love others, whom we have seen.

1 John 4:19-20

Haaaappy Sunday Everyone! Lovelots!

Bachelor Series 4: Jeopardize Heart [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon