21

13.5K 521 75
                                    

Gooodmorning blues! Enjoy reading!

_____________________.

Louisse

Minsan sa buhay natin may dadating na magtuturo saatin ng mga bagay na hindi pa natin alam. May taong dadating na magbibigay saatin ng liwanag na hindi naibigay ng sino-sino lang. May taong dadating where we would risk ourself and jeopardize our heart.

"Good morning Mia kara!" Napangiti naman ako at ng halikan niya ako sa pisngi.

"Good morning! Kain na"

"Good morning po nay, tay"

"Oh sige na iho, umupo at kumain kana" napangiti nalang ako. Ilang buwan narin kaming nagsasama ni Ven dito sa bahay niya, ay mali, mansyon pala kung saan ang mga kapitbahay niya ay ang mga kaibigan niyang karugtong ng bituka niya.

Kakauwi lang namin nung nakaraang linggo galing sa New York dahil sa kasal nina Jezrie.

Wala talagang imposible pagdating sa pagmamahal.

Napatakip naman ako sa bibig ko.

"Anak, ayos kalang ba?" Napatingin ako kay inay at tumango. Kakain na ulit sana ako, pero parang may kumakalikot sa sikmura ko. Agad naman akong tumayo at tumakbo papunta sa cr at dumuwal.

"Mia kara!" Naramdaman ko namang may humahagod sa likod ko.

"You okay Mia kara?" Tumango lang ako at napaduwal ulit. Nang mahimasmasan ako ay nagmugmog na muna ako at yumakap kay Ven.

"Anak, ayos kalang ba talaga? Nitong nakaraang araw rin ay panay ang reklamo mo dahil minsan nahihilo ka" napalabi naman ako.

"Natatakot ako Ven"

"Shh, its okay, magpapacheck up tayo ngayon okay? Wag kang matakot mia kara, Im here" pumikit ako at mas hinigpitan pa ang pagkayakap sakanya.











"So, what's the problem with my wife Boromeo?" Napaismid naman ako. Wife ka diyan.

Napatingin naman ako sa kaibigan niya ng ngumiti ito.

"Its nothing serious bro"

"Fuck you, diretsuhin moko because your smile creeps the hell out of me"

"Well" napatingin ako sa pinto ng may pumasok na babaeng doctor.

"Why are you here Vennie?"

Napakibit-balikat naman siya at tumingin saakin.

"Talaga namang magkakaibigan kayo oh" napakunot-noo nalang ako..

Hindi pala babae, kadugo ko rin

"Hi, Im Doctor Vennie Montevista an OB-gyne" mas napakunot noo pa ko at napatingin kay Ven na may halo-halong emosyon sa mukha.

"Congrats Louisse, you're pregnant. Im not joking, your case is likely similar to Jezrie, Angelico Villarde's husband"

"And yours too Vennie" napairap naman siya sa sinabi ni Alexis.

Hindi naman ako nakakibo at nakatulala lang na nakatingin sakanya.

"Fuck! Thank you mia kara!" Doon lang ako natauhan ng yakapin ako ni Ven at pinugpog ng halik sa mukha.

Naluluhang napatingin naman ako sakanya.

"B-buntis ako?"

"Yes mia kara, you're pregnant with our baby" at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko at yumakap ng napakahigpit sakanya.

"Oh God, I love you so much"

_____________________.

Pagkauwi namin ay masaya namin itong ibinalita kanila inay at itay na gulat na gulat, at parang di makapaniwala.

Bachelor Series 4: Jeopardize Heart [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon