15

12K 505 34
                                    

Gooodmorning! Enjoy reading po, lovelots!

__________________.

Louisse

Kakatapos lang namin mag-almusal. Panibagong araw na naman.

Hindi ko talagang maiwasang mamula sa tuwing maaalala ko ang nangyari kahapon. Jusko

Binuksan ko ang pinto ng kwarto. Nauna kasing matapos si Ven at nagpaalam na didiretso na muna dito.

Naabutan ko siyang nakaupo sa kama at tila malalim ang iniisip.

"Ven" umupo ako sa tabi niya. Napatingin naman siya saakin.

"Anong iniisip mo?" Ngumiti at umiling naman siya saakin tsaka yumakap. Niyakap ko naman siya pabalik.

Alam kong may iniisip ka Ven.

"Hmn, basta lagi mong tandaan na suportado ko lahat ng plano mo" matamis ko siyang nginitian.

"Thank you Lou, thank you so much. I dont know how to repay you" pinisil-pisil ko ang pisngi niya.

"Wag mo ng isipan yan aba, hindi naman ako naniningil Ven" sapat na yung nakasama kita, ayos na ako doon, kuntento na ako.

Hinaplos niya ang mukha ko at binigyan ng magaan na halik ang labi ko.













Naalimpungatan ako dahil sa ingay sa labas. Napatingin naman ako sa tabi ko.

Walang Ven

Umupo at nag-unat ako bago tumayo at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko ay naabutan kong nanonood ng tv si inay at itay.

"Nay, tay? Si Ven ho?" Sabay naman silang napatingin saakin.

Wow, nag-practice, char hahaha!

"Ah si Ven ba? Kanina pa wala at nagpaalam na lalabas lang raw, ang sabi niya kung magigising ka na raw ay dumiretso kalang daw sa paborito niyong lugar" napakunot-noo naman ako.

"Gaano na ho siya katagal wala nay?" Napatingin naman ako sa oras. Alas dos na pala.

"Nung pumasok ka kaninang umaga sa kwarto mo, mga trenta minuto ata lumabas siya at ayun nagpaalam" mas napakunot noo naman ako.

"Ang tagal niya na po palang wala, pupuntahan ko lang po siya" kumuha lang ako ng jacket sa taas.

"Hindi ka ba kakain?" Napahimas naman ako sa tiyan ko at napaisip.

"Hindi na po nay, tay. Mauna po muna ako" isinuot ko ang jacket ko habang naglalakad.

Pagkarating ko sa paboritong lugar namin ay namangha ako.

Ang linis kasi at isa pa may mga palamuti na babagay talaga sa hindi masyadong mainit na hapon.

"Mia kara" napabaling ako sa kaliwa.

"Ven"

"Surprise" mahina naman akong natawa

"Sandali nga lang, anong pakulo toh ah?" nameywang naman ako habang nakangiti.

"Well, a surprise for Mia kara" naglakad naman siya papunta sa unahan. Ngayon ko lang napansin, na may mahahabang kahoy na nakabaon sa lupa na nagsisilbing aisle sa gitna.

Pumwesto siya sa gitna doon sa dulo. Kumabog naman ang dibdib ko, para kasi kaming ikakasal.

"Come to me Mia kara" mahina naman akong natawa at hindi muna gumalaw.

"You got help?" Napakamot naman siya sa batok niya.

"Well yeah, ang saya nga nila eh" nakangiting napailing-iling naman ako.

Bachelor Series 4: Jeopardize Heart [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon