10

11.6K 478 17
                                    

Louisse

"Nitong nakaraang araw Lou, mukha atang hindi ka pumasok" alanganin naman akong napangiti sa mga magulang ng nga batang tinuturuan ko tuwing linggo.

Mga batang edad apat hanggang anim ang tinuturuan ko, yung hindi pa pumapasok. Mahirap lang kasi dito saamin kaya minsan ang ibang bata hindi nakakapag-kinder or nursery, diretso grade one kaagad. Kakaawa namang pumasok na walang alam kaya nag-volunteer na akong magturo na walang bayad.

"Ah ano po kasi, may konting problema lang" tinapik naman ako sa balikat ni Aling Ira, ina ng isa sa tinuturuan ko.

"Kapag makakatulong kami, sabihan mo kami ah, para kahit papaano ay mabalik namin sayo ang kabutihan mo"

"Oo nga Lou, ang dami-dami mo ng nagawa para dito sa mga taga baryo masaya" mahina naman akong natawa.

"Grabe naman po kayo, hindi naman po marami. Atsaka meron tayong tagline na dito sa baryo masaya--

"Dapat happy lang!" Natawa ako ng malakas nila itong pinagpatuloy.

Napatingin ako sa mga batang busy sa pagkukulay ng mga coloring book na binigay ko sakanila.

"Nga pala, totoo bang boyfriend mo yung gwapong lalaki na kasama niyo ngayon sa bahay niyo diyan" napakamot naman ako sa batok ko.

Tsismosa alert! Hahaha

"Anak!" Napahinga ako ng malalim. Save by the bell.

Napabaling naman ang tingin ko sa tumawag saakin.

"Dala-dala ko na ang tanghalian mo!" Namilog naman ang mata ko sa taong kasunod ni inay

"Ay, kasama ang boyfriend" mariin naman akong napapikit.

Sumalubong na ako kina inay at kinuha sakanya ang dala-dala niyang tanghalian ko.

"Hinahanap ka, kaya isinama ko na" napatingin naman ako sakanya na nakatingin na pala saakin.

"You're gone early" napairap naman ako.

"Ang sabihin mo tinanghali ka ng gising. Sinubukan kong gisingin ka, pero ang sarap sarap talaga ng tulog mo" alanganin naman siyang ngumiti at napakamot sa batok niya.

Napatingin naman siya sa likod ko

"You teach?" Tumango at ngumiti ako.

"Sabi ko naman eh hintayin mo ang sabado"

"O siya anak, mauna na ako. Walang kasama ang itay mo sa bahay" tumango lang ako at nginitian si inay. Napabaling naman ako sakanya.

"Ikaw?"

"I'll stay" napakibit-balikat ako

"Your choice" tumalikod ako at naglakad palapit sa mesa kung saan ang mga gamit ko nakalagay.

"O siya kami rin Lou ah, balik lang kami mamaya" kinawayan ko lang sila at napatingin kay Ven ng paglaruan niya ang isang kamay ko

"Anyare sayo? Nabobored ka ba at ang kamay ko ang pinagdiskitahan mo?"

Mahina naman siyang natawa.

"Silly, pag kasama naman kita, I never get bored" napaismid naman ako.

"Teaaacher!" Napabaling naman ako sa mga bata na nakatingin na pala saakin.

Matamis akong ngumiti at lumapit sakanila

"Bakit?"

"Sino po siya teacher?" Tanong ni Johannah, isa sa mga estudyante ko. Mahina naman akong natawa at ginulo ang buhok niya.

Bachelor Series 4: Jeopardize Heart [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon