05

12.6K 580 172
                                    

Gooodmorning everyone! Enjoy reading, lovelots!

___________________.

Louisse

Nag-grocery na muna kami bago dumiretso pauwi sa bahay.

"Nay, tay meryenda ho" napangiti ako ng si Ven na ang nagbigay ng binili naming isaw para kanila inay.

"Ay naku, salamat iho, nag-abala pa kayo. Kay dami-dami naman ng mga pinamili niyo" ngumiti lang ako at nag-thumbs up kay inay.

Pumunta ako sa kusina para mailagay sa ref ang mga karneng pinamili namin.

"Ang ganda pala dito sainyo noh? Simple lang" napatingin ako sakanya habang nilalagay ang mga can goods sa cabinet.

"Simple lang talaga dito Ven, sabi ko naman sayo kahapon eh. At yes, talagang maganda dito saamin, pamilihan palang napuntahan mo, there's so much more to be amaze of"

"Pupuntahan natin yun lahat?" Tumango ako at nginitian siya.

"Yes naman, ang hahaba pa ng mga araw natin, talagang mageenjoy ka dito" ngumiti naman siya kaya mas napangiti pa ako.

"Smiling really suits you Ven"

"Really?"

"Oo naman"

"You like my smile?"

Umiling naman ako.

"I love it" mawawala na sana ang ngiti niya pero bumalik ulit ito.

"I'll do this often then"

"Mabuti pa nga, wag yung serious look, nakakatakot i-approach eh"

"Hahaha, that's my normal posture. After all, I just smile and laugh when Im with my friends" tatanungin ko pa sana, sa fiancee mo pala? Wag nalang baka mawala na naman sa mood, ang ganda pa naman ng mga ngiti niya.











Night came at ako ang nakatoka sa kusina ngayon. Kinuha ko muna ang karne at nilunod ito sa tubig para lumambot.

"What are you going to cook?" Kumuha ako ng sibuyas at bawang

"Adobo po"

"C-can I help?" Napatingin naman ako sakanya at napangiti.

"Sige ba, lapit ka dito, ituturo ko sayo yung paghiwa ng mga sangkap." Hinanda ko ang chopping board at kutsilyo ng tumabi siya saakin.

Ipinakita ko sakanya kung pano panitan at hiwain ang bawang bago ko ibinigay sakanya ang kutsilyo.

"Ganyan nga, ops! Wag mo masyadong ilapit sa daliri mo baka masugatan ka" napapangiti at napapatawa nalang ako sa tuwing mataba at malaki ang pagkakahiwa niya.

"Pfft! Hahaha!"

"What did I do to this little piece of shit, that it makes me cry!" Napakagat labi ako at napatakip sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ko.

"Lou! Inaaway ako!" Nagpupunas sa mata siyang napatingin saakin. Ngumuso naman ako.

"Inaaway ang baby? Sus, kawawa naman" natatawa akong lumapit sakanya at pinunasan ang pawis at ilang butil ng luha sa mukha niya.

Napatitig naman ako sakanya habang pinupunasan siya.

"Ang ganda pala ng mga mata mo"

"Hmn"

"Anak?"

"Anak!" Nagulat naman ako at napalayo kay Ven at napatingi kay inay.

"P-po?"

Bachelor Series 4: Jeopardize Heart [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon