12

11.3K 526 35
                                    

Sorry for the late UD blues!

________________.

Louisse

"Dali!" Hila-hila ko siya habang tumatakbo kami sa gitna ng kalye. Wala naman masyadong sasakyan ngayon, kasi fiesta na nga.

"Slow down a bit Mia kara!" Umiling-iling lang ako at mas binilisan pa ang pagtakbo.

Tumigil kami sa mga nakahilerang stall.

May iba-iba kasing laro.

"Woah, anong tawag sa mga ito?"

"Mga laro ito tuwing fiesta dito Ven, although mas benta siya sa mga bata, pwede rin naman sa mga feeling bata" natatawang sabi ko.

"Dito tayo mauna" hinila ko siya sa roulette game.

"Kaya pala ang rami mong baryang dala" sumaludo ako

"Ready as always si Lou!"

"Sige, pumili ka ng numero, kung saan malakas yung pakiramdam mo na titigil ang bola doon" seryoso naman siyang napatingin sa boars kaya natawa ako.

"Hmn, 1, 4 and 3" tinaasan ko siya ng kilay ng kinindatan niya ako.

"143 po kuya!" Nagbayad ako, pinagsiklop ko naman ang kamay ko.

"Ihuhulog ko na ang bola!" Nakatutok lang ako sa bola hanggang sa tumigil ito sa.....






Otso

Napatingin ako kay Ven na natatawa.

"Lakas ng pakiramdam ah" napanguso naman siya.

"O sige, isa pa, ako na naman pipili" nailagay ko naman ang hintuturo ko sa pisngi ko

"7 po atsaka 9"

"Mukhang siguradong-sigurado ka diyan Mia kara"

"Hah! Ako pa ba!" Nakatutok ako sa bola ng muling ihulog na naman ito ni kuya.

Nasapo ko ang noo ko ng tumigil ito sa tres

"Lakas rin ng pakiramdam mo Mia kara" inirapan ko naman siya at nakabusangot na napatingin kay kuya.

"Psh! Babalik kami kuya ah, baka maubos pera namin dito eh" natatawang tumango-tango naman siya. Lihim naman akong napaismid at hinila ulit si Ven papunta sa ibang stall.

"Hala dito! Dito!" Naeexcite kong sabi.

"Hanapin ang nawawalang jolen?" Pagbabasa niya. Tumango-tango naman ako

"May pagkapareho lang siya sa larong Find the ball, galing lang ang pinagkaiba ay jolen dito" pagpapaliwanag ko

Raven

Napatango-tango naman ako.

"O siya, gora kuya!" Napangiti naman ako sa pagka-hyper nita

"Hala! Ang bilis naman kuya!" Nakakunot noo akong napatingin sa tatlong baso.

"Nawala sa paningin ko! Aish naman eh" mahina naman akong natawa.

"Sa tingin mo, saan Ven?"

"Ha?" Napakamot naman ako sa batok ko.

Im not paying attention earlier Mia kara

"A-ah I think, t-the middle one"

"Sa gitna raw kuya" please, please, please.

"Boom, mali!" Mahina naman akong natawa

"Its okay, we can try again" i'll get you this time. For Mia kara

Bachelor Series 4: Jeopardize Heart [BXB] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon