Our Sand Hour 01

2.6K 90 60
                                    

Our Sand Hour - [ |completed| ]

 ALL RIGHTS RESERVED . 2013

 

------------------------------------------------------

 

Chapter 1

(The root of everything)

"Im sorry Mister and Misis Censa pero wala na kaming magagawa sa kondisyon ng anak ninyo." Nanatiling tahimik sila Mama at Papa na tila ba ay naghihintay pa ng mga sasabihin ng doctor ko.

"Wag niyo ngang sabihin ang ganyang bagay sakin! Gagaling ako! I believe I will get better soon," sigaw ko sa kanila kahit nahihirapan na nga akong magsalita. Nasa isa akong hospital room ako at ang pamilya ko. Kausap namin ang doktor na naka-in-charge sa akin.

"Hindi ko po gustong sirain ang natitirang pag-asa niyo pero gusto ko lang po sana na maging handa kayo sa mga mangyayari." Nakayukong sabi ng doktor saka nagsimulang maglakad palabas ng kwarto ko.

Nasa tapat na siya ng pintuan ng muli akong nagsalita.

"Ikaw ba ang Diyos? Ikaw ba Siya? Wala kang karapatang sabihin sakin ang mga ganyang bagay. Hindi ikaw ang magsasabi ng katapusan ko!" Napahinto siya sa mga nasabi ko at napaharap ulit sa amin.

"Hindi ko po gustong wakasan ang natitirang pag-asa sa inyong mga puso. Gusto ko lang pong malaman niyo ang naging resulta sa mga nagdaang tests sa inyong anak. Tungkulin ko pong ipaalam ang mga yon sa inyo at karapatan ninyo ang maintindihan ang lahat ng nangyayari sa anak niyo." Tama naman ang lahat ng sinabi niya eh. Tungkulin niya ang sabihin kung ano bang nangyayari sa akin. Hindi ko lang matanggap.

"Kahit ano pang sabihin mo wala kang karapatang sabihin sa akin kung kailan ako mawawala sa mundong ito. Hindi ikaw ang may hawak ng buhay ko!" Saka ako tumalikod sa kanila. Narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko. Malamang ay lumabas na ang doktor.

Niyakap muna ako ni Mama mula sa likod ko. Nakahiga parin ako sa kama ko at nakatalikod sa kanila. "Anak kahit ako ay hindi ko gustong tanggapin ang ganoong balita mula sa doktor mo. Hinahangad at pinagdadasal ko rin ang kaga--"

"Just leave for now Ma. I want to be alone."

"Clarisse kailangan mo ng--"

"Ma please. Just leave me please." Saka niya ako binitawan sa likod at lumabas na rin sila ni Papa ng kwarto ko.

Hindi ko maintindihan pero bakit sakin pa to nangyayari? I've been so good in my entire life. Everybody's calling me a good samaritan. Siguro nga may mga bagay lang na hindi natin kayang pigilan. Hindi natin kayang baguhin sa kahit na paanong paraan. Pero sana habang may oras pa ko magawa ko na ang mga bagay na hindi ko inaakalang hindi ko na ulit magagawa pa.

Umupo ako at tiningnan ang orasan sa tabi ng lamesa ko. Tik-tok-tik-tok. paulit ulit kong narinig ang parehong tunog saka ako tumayo at isa isang tinanggal ang mga bagay na nakakabit sa katawan ko. May dextrose, oxygen, at kung anu ano pang aparato para mas mapahaba pa daw nila ang buhay ko.

Pero sino nga bang niloko nila? "Kung oras ko na, oras ko na talaga yun pero kung may hindi pa ako nagagawang bagay, hindi hihinto ang oras ko dahil lang sa sinabi nila."

Nagbihis ako ng hospital gown ko at nag-ayos sa may banyo. Naglagay ako ng di kakapalang make up. "Para lang hindi ako magmukhang mamamatay na. Marami pa akong dapat gawin." Tiningnan ko ng mataman ang sarili ko sa salamin na matagal ng nasa kwarto ko. "Bakit ba ang ganda ko parin kahit mukha na akong zombie?" Saka ako napatawa sa mga naiisip ko.

Our Sand Hour - [ |completed| ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon