Our Sand Hour 06

582 41 44
                                    

Our Sand Hour - [ |completed | ]

ALL RIGHTS RESERVED . 2013

------------------------------------------------------

Chapter 6

(Together until the end)

"Papakasalan ko po ang anak niyo sa ayaw niyo man o sa gusto." Hala ka! Ano bang ginagawa ng taong ito? Hindi ba niya alam na ang tatay ko ay isa sa mga kinatatakutang sundalo sa panahon ngayon? Naku naman Jae, magpapakamatay ka na rin ba? 

"Ah ganon ba hijo. Pumasok muna kayo sa loob. Hatinggabi na at malamig na dito sa labas.”

Teka lang ha, nagloloading ang utak ko. Totoo ba yun? Hindi nagfury si Papa? Aba! First time to! Baka ang akala niya nagjojoke lang si Jae. 

Hinawakan ulit ni Jae ang kamay ko at itinapat sa mukha ng papa ko. Ano ka ba Jae? Gusto ko pang mabuhay. Pababain mo naman kahit kaunti ang sintensya ng buhay nating dalawa. Maawa ka naman sakin!

"Kung akala niyo po nagjojoke lang ako. Pasensya po kayo pero seryosong-seryoso po talaga ako sa anak niyo!" Pasigaw na sabi ni Jae kasi naman si Papa ngumi-ngiti-ngiti pa. I'm gonna be dead. Ipagdasal niyo na lang ang kaluluwa ko.

Maya maya lang sumeryoso na rin ang mukha ni papa. Ayan na unti unti ng nagsi-sink in sa utak niya ang mga pinagsasasabi ni Jae. Patay na kaming dalawa nito. "It's okay. Tara na sa loob," saka ako inakbayan ni papa. "Dun na natin pag-usapan yang sinasabi niyo." Lalo naman akong kinabahan dahil dun. Mamamatay na ba ako dahil sa magiging reaksyon nila Mama at Papa sa biglaan naming desisyon?

Pumasok kami sa loob pero parang ako lang ang kinakabahan kasi si Jae pangiti-ngiti lang. Naupo ako sa tabi ni Mama sa mahabang sofa at si Jae naman dun sa nakahiwalay na couch. Ewan ko ba pero grabe talaga ang nerbyos ko pero si Jae, hindi naman halatang kinakabahan din.

Tahimik lang ang lahat kaya nag-abala na akong tumayo para kumuha ng maiinom. Ramdam ko parin ang sunud-sunod na pagtulo ng pawis sa likuran ko. Ano ba naman kasi tong pinasok ko?

Sumilip ako sa sala at nakita kong magkatabi na si Papa at si Jae sa sahig habang si Mama naman ay nakikipagtawanan pa sa kanila. Ano na namang nangyayari dito? Saglit lang ako na nalingat, magkakasundo na agad sila?

Lumabas ako bitbit ang dapat ay inumin at chips namin at nakitang naglalaro na pala sila ng Xbox. Pareho silang tutok na tutok sa nilalaro nila. Walang ni isang natinag ng presensya ko. Ano bang nangyayari sa mga taong ito? 

"Yes! Nanalo ako! Ako na naman ang nanalo!" Napatigil nalang ako ng marinig ko ang malakas na hiyaw ni Jae. "Pano po ba yan? Ako na naman ang nanalo."

"Hay mukhang hindi talaga ako mananalo sayo Jae. Sa dinami-dami ng laban natin hindi pa rin talaga ako nananalo sayo." Teka nga. Totoo ba tong nakikita ko na magkasundo sila? Paano yung usapan tungkol sa boyfriend ko, yung tungkol sa kasal ko? Paano na yun?

"Oh eto! Uminom muna kayo. Siguradong napagod kayo." Saka inabot ni mama ang malinis na baso sa kanilang dalawa. Ano ba talagang nangyayari dito?

Lumapit ako sa kanila at napaupo ng makita ko ang isang medyo matanda ng papel sa lamesa. "Papa—bakit walang nakalagay? Jae—1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 ---- teka andami naman yata nito?"

"Hahaha! Yes Hon! 59 times ko ng natalo ang daddy mo sa larong ito." Napatingin ako kay papa na natatawa pa sa reaksyon ko. Close na talaga sila ha.

Our Sand Hour - [ |completed| ]Where stories live. Discover now