Our Sand Hour 04

683 52 39
                                    

Our Sand Hour - [ |short-story| ]

ALL RIGHTS RESERVED . 2013

------------------------------------------------------

Chapter 4

(A day to complete my life)

Mag-aalas-otso na ng magising ako at sa pagkakatanda ko ay maaga dapat kaming aalis ni Jae ngayong araw. Pagkagising ko ay wala na si Jae sa kama, malamang ay nag-aayos na siya sa pag-alis namin pero bago pa man ako makaalis ay napansin ko na ang ibinigay kong box sa kanya na nakapatong sa ibabaw ng kabinet. Bukas na ito at nakalabas na ang ibang laman. Nakita ko nalang ang kamay ko na kinukuha ang isang bagay na pinakaayaw ko talaga sa lahat ng laman noon na nakapatong sa kama namin—ang hour glass ko.

Masaya naman ako na nakikita ang mga larawan namin ni Jae kagabi na nakadikit sa salammin namin sa kwarto. Hindi ko talaga mapigilan ang saya at tuwa sa pamamalagi namin dito. As in enjoy talaga ako sa mga nangyari sa amin. Tama nga si Jae makakapag unwind nga ako dito. Relaxing. Sobrang relaxing. Nakakalimutan kong may sakit nga pala ako. Nakakalimutan kong limang araw na lang ang natitira sakin simula nung sinabi ng doktor ko. I went straight to the rest room when I suddenly felt I’m about to vomit. Napaupo nalang ako sa sahig sa sobrang hilo saka ko tinitigan ang sand hour glass na kinuha ko kanina sa ibabaw ng kama niya. Nauubos na. Unti unti ng nauubos ang oras ko. Pero hindi ko na sasayangin pa ang mga nalalabi kong oras sa paghiga sa kama ng hospital o pagbabasa ng mga walang kwentang balita sa dyaryo. Mas gugustuhin ko pang maghapon nalang akong makipagkwentuhan sa mga taong nagpapasaya at nagmamahal sakin kahit alam kong…

"meron na lang akong ngayon at bukas."

"Jane let's go. Matagal ka pa diyan sa comfort room? Dun na ko sa kabila gagamit ha." Bakit ba tong taong to nagmamadaling umalis? May iba pa siguro tong lakad. Ano ba yan feeling ko sagabal ako sa mga lakad niya sa mga nakaraang araw.

"Saglit nalang ako dito.” Sigaw ko para umalis na siya. Bakit ba kasi ang sama ng pakiramdam ko ang aga-aga pa naman kasi. Gusto ko tuloy magwala dito sa banyo kaso nakakahiya baka marinig pa ko sa labas.

"Oh sige! Hintayin kita sa labas ha. Wag ka ng magnobena dyan sa loob ng banyo ha." Narinig ko nalang siyang tumawa saka isinara ang pintuan ng kwarto namin.

"Ano daw? Nobena? Ewan sayong mokong ka!" Alam ko na mukha na talaga akong baliw dito habang kinakausap ko ang kaharap kong palikuran. Bakit ba kasi ako pa ang nalalapit sa pagkakataong ayaw ko naman? Ang hirap naman kasi na magsaya kahit alam ko naman na malapit na tong matapos. Malapit nang magtapos ang lahat sa akin.

Ewan ko rin pero ang bilis namin na naging komportable sa isa't isa ni Jae. Para bang matagal na kaming magkakilala. Nararamdaman ko kasi talaga o baka naman kasi halos dalawang buwan na rin kami na araw-araw kung magkita noon sa park habang kumakain pa ng ice cream. Hindi ko talaga alam.

"Argg!" Grabe nakakahiya talaga ako. Nasusuka talaga ako. Yung tiyan ko parang umiikot. Ano bang nakain ko kagabi na nakapagpasira ng tiyan ko.  Kanina pa ko nahihilo at nasusuka. Nababaliw na yata ako. Lumabas ako ng banyo at dumiretso ulit sa kama ko.

"Dalawang araw nalang ako. Totoo na ba talaga to. Hay. Di pa talaga ko handa." Saka ko inilagay sa maliit kong bag ang sand hour glass ko. “Alam kong ibinigay na kita kay Jae pero sa tingin ko mas mabuti na ako na talaga ang humawak sayo.”

"Jane. Tara na. Baka abutan tayo ng traffic. May pupuntahan pa tayo." 

"Eto na po. Palabas na nga diba? Sobrang sinusulit ng isang to ang mga natitirang araw ko ha. I’m feeling so much happier than ever." Lumabas na agad ako ng kwarto saka dumiretso sa kotse niya. Nakaayos na nga ang lahat ng gamit namin sa loob. Sumakay kami at nagsimula na siyang magdrive paalis sa resort.

Our Sand Hour - [ |completed| ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon