Our Sand Hour 07 (Final)

390 10 1
                                    

Our Sand Hour - [ | completed | ]

ALL RIGHTS RESERVED . 2013

--------------------------------------------------------

Chapter 7

(Still not over you)

"Mahal na mahal kita Jae. Hindi kita iiwan katulad ng pangako ko. Magkasama tayo hanggang sa dulo." Ngumiti siya sakin saka dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Jae." saka ko pilit na inabot ulit ang kamay niya.

Palayo siya ng palayo sa akin. Hindi ko na siya maabot. Hindi ko mahawakan ang kamay niya. bakit ka lumalayo sakin Jae?” Ininat ko pang maigi ang mga braso ko para maabot siya pero bakit patuloy siya sa paglayo?

"Jae sandali lang." Palayo parin siya ng palayo sa akin saka unti-unting naglaho ang nakangiti niyang imahe sa dilim.

"Jae bakit?" Nagtuluy-tuloy na ang pagtulo ng malamig na tubig sa pisngi ko. Hindi ko na siya maaabot. "Jae bakit mo ko iniwan?"

Hindi na siya babalik sakin. Hindi ko na siya makikita pang muli. 

Naramdaman ko na lang ang mga kamay ni Mama sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Panaginip lang pala. Panaginip nalang pala ang lahat. Ang bigat sa pakiramdam at parang ayaw ng tumigil ng mga mata ko sa pag-iyak. 

"Jane. Clarisse Jane. Gising na anak. May lakad pa tayo." Pinunasan ko pa ang mga pisngi ko bago humarap kay Mama.

"Opo ma. Mag-aayos na po ako." Lumabas siya ng kwarto ko ng hindi na ulit nagsalita pa. Alam kong nakita niya ang mga luha ko. Sana lang wag na lang niyang pansinin ang mga nakita niya mula sa akin.

Nakalabas na si mama ng kwarto ko pero nanatili akong nakahiga. Patuloy parin sa paglabas ang mga luha ko. Niyakap ko na lang ang hugis pusong unan na ibinigay sa akin ni Jae noong kaarawan ko.

Bakit hindi ko parin kayang tumayo sa sarili kong mga paa? Bakit hindi ko parin matanggap na wala ka na? "Jae bakit mo ba kasi ako iniwan?"

Tumayo ako at dumiretso sa salamin saka ko kinuha ang suklay ko at napatigil ng makita ang isang bagay na nag-ugat sa lahat—ang sand hourglass ko. Kinuha ko iyon at napatitig doon ng mas matagal.

"Bakit ka ba kasi napabigay sakin? Bakit ako pa? Bakit samin pa?" Tuluy-tuloy kong tanong saka inikot-ikot ito. Hindi na talaga gumagalaw ang buhangin sa loob. Maaari bang tumigas ang buhangin sa loob nito o hindi kaya maaaring may iba pang dahilan?

"Jae ito ba talaga ang gusto mong mangyari? Bakit mo ko pinapahirapan?" saka nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Hindi ka pa ba talaga titigil? Hindi ko na kaya.

Hindi ko na alam kung paano ko makakayang harapin ang bukas ng wala na siya sa tabi ko, na wala na ang mga ngiti ni Jae na makikita ko sa tuwing gigising ako sa umaga. Paano na lang ako?

Hindi ko na kinaya at nanlambot na ang mga tuhod ko. Hindi ko na namalayang bumagsak na pala ako at napasandal na lang sa pintuan ng banyo. Ang hirap at ang sakit-sakit.

"Clarisse, anak. Ano bang nangyayari dyan? May nangyayari ba sayo? Clarisse Jane sumagot ka naman anak." Sunud-sunod na pagkalabog ang naramdaman ko mula sa pintuan ng kwarto ko. Wala akong marinig na ingay mula sa labas. Tila ba nabingi na ko sa mga hikbi ko. Araw-araw na lang akong ganito.

Our Sand Hour - [ |completed| ]Where stories live. Discover now