Our Sand Hour 05

602 47 64
                                    

Our Sand Hour - [ |short-story| ]

ALL RIGHTS RESERVES . 2013

------------------------------------------------------

 

Chapter 5

(Yes, I will)

Jae hindi kita iiwan…

Jae hindi kita iiwan…

Jae hindi kita iiwan…

 Jae hindi kita iiwan…

Hindi pa ako pinapatulog ng linya na yan. Hindi na rin kami natuloy ni Jae dun sa dapat naming pupuntahan kanina dahil na rin sa pagiging uneasy ko. Buong araw akong ginagambala hanggang gabi kahit sa kama at kahit sa pagkain. Pinakaunang beses kong kumain ng kanin na may kape at walang ulam. Kahit habang nanonood ng mga palabas na komedya naman, imbis na matawa ako ay naiiyak ako. Nagmumuka na kong sinapian, nagahasa, nababaliw na nagwala dahil sa paulit-ulit na pag-iisip sa linyang yan. Si Jae naiiyak na sa sobrang pagtawa pero ako nagkukunwari parin. Pati hanggang nasa banyo na nga ako yan parin ang naiisip ko. Ginawa ko na ngang shampoo yung liquid detergent sa sobrang pag-iisip. Grabe na talaga to, nakakasama talaga sakin ang sobrang pag-iisip ng kung anu-anong bagay kaya yun lumabas nalang daw kami siguro ay nahalata na rin niya ang nangyayari sa akin. Sabi ko nga wag na kasi gabi na pero nagpumilit si Jae. Gusto daw kasi niya na makalanghap ako ng sariwang hangin at para na rin daw hindi puro pag-iisip sa lintik na sand hour glass na yun ang gagawin ko.

"Huy ano pa bang iniisip mo? Hindi ka na naman nakikinig sakin eh!" Ang puso ko biglang tumalon hindi dahil kay Jae kundi dahil sa gulat.  Alam mo yung pagkakataon na sobrang seryoso ka sa pag-iisip tapos mabibigla ka dahil sa isang bagay. Hooo!

"A—ano yon?"

"Sabi ko ang ganda mo. Kung di ka lang panget! Hahaha. Bingi pa."

Ano ba naman yan? Okay na sana yung maganda ako eh. Bumanat pa ng kung hindi lang panget. Kung sapakin ko kaya to para pumanget din siya? Why not coconut? Bwahaha! Tinitigan ko siya ng masama sabay tawa ng malakas sa utak ko, yung pang devil na tawa.

 "Jae!" Tulad nga ng aking inaasahan, lumingon siya sakin. Pagkakataon ko na to with matching tawang pang devil ulit! Sinapak ko siya sa mukha, isang straight punch sa ilong. Ewan ko lang kung saan ko ba talaga siya tinamaan pero sure ako solid yung tama sa mukha niya.

"Aray! Ang sakit nun ah!" Yeah boy! Bawing bawi ako dun ah! Bwahaha! Isang napakalakas na hagalpak ang pinakawalan ko sa gitna ng katahimikan namin. Quits na tayo!

Sabay harap ako sa bintana syempre para iwas sa kanya na para bang walang nangyari. Diretsong tingin lang ako sa side mirror ng kotse niya. Alam ko halos pumutok na ang Mayon volcano sa ulo niyan. Nyahaha! Magdidiwang ako! Magpapaparty ako! Patas na talaga kami!

"Para saan naman yung sapok na yun ha?" Tapos nakita ko siya na hawak hawak yung ilong niya. Anong nangyari sa kaartehan nito?

"Hhmm para sa pang-aasar mo. Siguro naman natuto ka na na ang isang Clarisse Jane ay hindi dapat inaasar." Hindi parin ako tumitingin sa kanya. Syempre naman baka mamaya makita niya yung hindi ko na kayang pigilan na hagalpak ko. Sobrang hirap pigilan tumawa kapag nasimulan mo na.

"Ah ganon pala ha." Nakita ko siyang hinugot yung facial tissue sa compartment ng kotse niya saka ipinunas sa mukha niya. Don’t tell me, dumugo talaga yung sinapak ko? Tinapon niya agad yun sa maliit na trash bin sa tabi ng driver's seat saka niya ko sinugod saka kiniliti ng sobra sa kung saan saan.

Our Sand Hour - [ |completed| ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum