Our Sand Hour 02

963 61 38
                                    

Our Sand Hour - [ |short-story| ]

 ALL RIGHTS RESERVED . 2013

 

---------------------------------------------------------

Chapter 2

(A Day Without Pain)

"Hhm." Saka ako bahagyang napamulat ng mata ko. Matagal din kaya ang tulog ko? Medyo dumidilim na kasi eh. Tiningnan ko ang cellphone ko sa bulsa, 26 missed calls, puro sila mama at papa. Alam na siguro nila ang ginawa kong pagtakas sa kwarto ko sa hospital. Napalingon naman ako kay Jae na nakatingin parin sa unahan at patuloy lang sa pagda-drive. Pumikit muna ulit ako at humarap sa bintana. Napansin kaya nyang gising na ko?

"Someone like you is really hard to find. Someone who never fails to make me smile. Someone who always makes me shiver. That special someone who perfectly shoulders my linger." Pabulong lang siyang nagsasalita pero hindi ko mapigilang mapangiti. Singer pala to? In all fairness hindi talaga halata.

"Hhm." Umikot ulit ako para mapaharap ako sa kanya. Nakapikit parin ako pero may nakikita akong maliit. Yun bang onting silip lang. Para makita ko yung cute niyang singkit na mata. Magtigil ka nga Clarisse Jane! Ang landi mo! Alam mo yun?

Nakita kong tumingin muna siya sakin saka ngumiti. "So if I die, I would rather keep myself smile. ‘Cause I know when you start staring at me, that’s the time that I will never be." Saka niya hinawi ang buhok ko sa mukha. Shete! Wag huy wag! Baka makita mo ang pamumula ng pisngi ko sa sobrang kilig.

Bumitaw siya sakin at nagpatuloy sa pagda-drive. Tahimik na ulit sa kotse ng muli siyang nagsalita. "Jane anong ibig sabihin ng sand hour glass sa box mo?" Alam na kaya niyang gising na ko? Deadma lang ako. Tulug-tulugan parin ang peg.

Maya maya ay may kinuha siyang maliit na notepad at nagsulat habang nagda-drive. Lokong to! Kapag kami nabunggo dahil dyan. Kotong to sakin!

"Hhm. Good morning Jae." Saka ako umayos ng upo at ngumiti sa kanya. Binitawan muna niya yung notepad niya saka tumingin sakin.

"Good afternoon Jane. Hapon na kaya." Saka siya sumilip sa labas at nag chuckle. "Ay mali. Gabi na pala. Good evening." Then he chuckled again. Ang cute naman talaga ng lalaking to sa tabi ko! Lalong nag go goodbye Philippines yung maliit niyang mata. Sarap ipagpalit yung mata niya sa mata ko.

"Wag mo nga kong tawanan!" Saka ako humarap sa bintana. Naman kasi no! Okay na yung kilig ko eh! Andun na eh! Onting onti nalang oh!

"Eto naman masyadong tampururot! Wag ka na magtampo Jane ko." Then he handed my hand. Kyaahh! I can feel thousands of butterflies in my baga! Naman Jae Amiel eh! Wag ganyan!

Bumitaw naman agad ako sa kamay niya. "Wag mo nga kong ginogoyo Jae! Di magandang trip. Nakaka ---" 

Napatigil nalang ako sa pagsasalita ng biglang niyang pinark sa tabi yung kotse. Muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ah. Buti nalang pala nakaseatbelt ako. 

"We're here." He said then tinanggal yung seatbelt niya. I was shocked ng bigla siyang naglean sa harap ko. As in harapan ko. Alam mo yung close na close yung face niya sakin. Yun bang onti nalang magla-land fall na yung mukha niya sa mukha ko. Napatitig nalang ako sa kanya.

"Ah-- Jae." Then he stop and looked at me. Straight to my eyes. I can feel millions of butterflies and ants inside my bituka. Kanya-kanyang gala sila sa katawan ko. Malamang pulang pula na ang mukha ko.

Our Sand Hour - [ |completed| ]Where stories live. Discover now