Our Sand Hour 03

744 61 49
                                    

Our Sand Hour - [ |short-story| ]

ALL RIGHTS Reserved . 2013

------------------------------------------------------

 

Chapter 3

(Smile… Just Smile)

It’s been hours mula nung umalis kami sa rest house nila Jae sa Tagaytay pero hanggang ngayon nasa biyahe parin kami. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan ba ako dadalhin ng taong to ngayon. Kanina pa nga siya may kinakausap sa cellphone eh puro oo at hindi lang naman ang naiintindihan ko sa kanya. Sa nakikita ko sa aura niya ngayon, malamang isang lugar na naman na may napakasaya at may nakakapagod na gawain ang pagdadalhan nito sakin.

Napalingon muna ako sa bintana bago ko siya kinausap. “Jae hindi mo pa ba ako iuuwi samin?”

 “Gusto mo na bang umuwi? Pwede naman kitang ihatid ngayon sa inyo.” Bakit ganoon, parang wala lang sa kanya na nagsasalita ako na iuuwi niya na ako sa amin? Hindi ba niya ako mami-miss kahit kaunti lang?

 “Okay lang. Okay lang din kung hindi.” I said in a lower tone. Ewan ko ba kung bakit nga ba all of a sudden bigla nalang ako napasalita ng ganito kay Jae.

 “Hindi nga Jane. Kung gusto mo na talaga umuwi, ihahatid na kita baka sabihin mo inaabuso ko na yung pagkakaibigan natin.”

 “Kung ikaw ba, gusto mo na ba akong pauwiin o hindi.”

 “Hhmm nasayo nga yan kung gusto mo na talagang umuwi, wala naman na akong magagawa dun eh pero syempre kung ako ang tatanungin, ayaw pa kitang pauwiin. Gusto ko pa kasing magpakasaya kasama ka.”

Nginitian ko lang siya saka tumingin sa cellphone ko. Tawagan ko kaya muna sila Mama? Sana kumakain parin ng tama si Mama at umiinom parin ng gamot sa oras si Papa. Sana kalmado lang si Papa baka kasi atakihin na naman siya ng altapresyon niya. Nag-aalala na ako sa kanila. Simula kasi nung umalis ako sa ospital, wala na akong balita sa kung ano na bang nangyayari sa kanila. Nag-aalala parin kaya sila sakin?

 “Ma don’t worry, I think I’m in good hands. Wag niyo na muna akong isipin. Mabuti po ang kalagayan ko.” Napatingin ako sa langit na bahagyang maaraw habang bumubulong ng mga katagang gusto kong marinig nila Mama at Papa.

 “Jane gusto mo bang tumawag muna sa bahay niyo? Magda-drive thru nalang ba tayo ng lunch natin? Ano bang gusto mo?”

 “Sige lang Jae. Ikaw na bahalang umorder basta yung makakain ha. Namimiss ko lang sila Mama at Papa. Kamusta na kaya talaga sila?”

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero pakiramdam ko nagiging unfair ako sa lahat ng tao sa paligid ko. Una sa mga magulang ko, iniwan ko sila ng wala man lang paalam tapos ngayon namimiss ko naman sila. Pangalawa, kay Jae na kahit hindi naman kami magkaano-ano nagtityaga siya na pakisamahan ako kahit hindi naman niya alam kung ano bang meron ako. Tapos pati sa sarili ko nagiging unfair narin ako.

Makatapos naming kumain nakarating kami sa isang simpleng resort na may malalaking puno ng buko. Sino kaya nagtanim nito at magpapaturo ako! Kasi mahilig akong magtanim kaso ang problema lang, ayaw ng mga halaman sakin!

 “Jane, dito nalang una tayo tumuloy ha. Wag ka ng mag-alala sa bayad, my treat. Tahimik dito kaya relaxing parin at hindi na kasing lamig kapag nandun tayo sa rest house namin. This is my favourite resort here in Cavite, sana magustuhan mo din.”

Tinulungan niya muna akong ipasok lahat ng gamit ko bago siya nagpahatid ng snacks sa kwarto namin. Sa sobrang bored ko, naisipan ko nalang na makipagkwentuhan sa kanya kasi halos wala rin naman kaming alam sa isa’t-isa, ni wala nga kaming alam tungkol sa pamilya naming dalawa eh. Tao ba talaga ang mga magulang nito? Hindi man lang kasi talaga niya naikukwento sakin.

Our Sand Hour - [ |completed| ]Where stories live. Discover now