Capitulo Uno

387 25 3
                                    



Capitulo Uno





ISANG malalim na pagbuntong hininga ang aking ginawa bago tumingin sa labas. Ilang taon na ang lumipas noong nangyari ang mga kaganapang hindi ko inaasahan at ngayon ko lamang napansin na marami palang nagbago sa bayan ng San Carlos. Tila ba'y galing ako sa ibang bansa ng matagal na panahon dahil sa labis na pagkabigla ko sa pagbabago ng San Carlos.

"Señorita Realonzo, may problema po ba?"

Umiling ako at muli kong binaling ang aking tingin sa labas ng calesa. "Naninibago lamang ako, Charo."

"Naninibago po saan?"

"Sa mabilis na pagbabago ng mundo." Tunay ngang mabilis na nagbago ang mundo. Parang kailan lang ayos pa ang lahat hanggang sa isa-isa akong iniwan ng mga taong malapit sa aking puso.

Ang sabi ng lahat ay isa akong maswerteng binibini dahil ako'y miyembro ng isang kilalang buena familia. Lahat ay nasa akin na. Karangyaan ng buhay, kagalingan sa larangan ng musika at sining at nag-iisang tagapagmana ng Hacienda Realonzo at Hacienda Irabon. Tunay ngang buhay na parang sa panaginip lang nangyayari para sa taong nakatira sa bansang hindi maganda ang pamumuhay.

Na sana'y pati rin ang mga kabiguang dumaan sa buhay ko ay sa panaginip na lamang nangyari at magigising ako na ayos na ulit ang lahat.

Bumuntong hininga na lang ako. Maswerte nga ako sa buhay na natatamasa ko ngayon ngunit hindi ko naman maatim na mamuhay ng ganito kung wala na ang taong pinakamahalaga para sa akin. Hindi na nawala ang kabiguang nararanasan ko.

Nagsimula ito nang pumanaw ang lalaking nagmamay-ari ng aking puso, si Florentino. Kung hindi ko sana pinagpilitan na magkita kami sa bukana ng San Carlos, hindi nasa siya mapapatay ng mga rebelde. Hindi. Hindi sila mga rebelde kundi mga taong inutusan ni Matias Saenz upang kitilin ang buhay namin ni Ate Keira. Labis kong hindi matanggap ang biglaang pagpanaw ni Florentino. Sumunod, ang tila paglaho na parang bula nina Kuya Gabriel at Ate Keira. Walang nakakaalam kung nasaan na talaga sila. Maayos sana silang kinasal kung hindi lamang nanggulo sa kanilang buhay si Matias.

Kumuyom ang aking mga kamay. Lubhang malaki ang kasalanang ginawa ni Matias sa aking pamilya't angkan. Labis-labis ang galit na nararamdaman ko para rito at hinding-hindi ko mapapatawad ang taong ito kahit pa matagal na itong wala sa mundo. Bahala na ang Poong Maykapal na magparusa sa makasalanan nitong kaluluwa.

Mayamaya'y huminto na ang sinasakyan kong calesa. Nasa harap na kami ng bahay ng angkang Figuero. Kagabi'y may dumating na liham galing kay Don Rafael Figuero. Iniimbitahan niya akong pumunta rito. Naisip kong baka dumating na si Esmeralda galing sa España kaya ako pinapapunta rito ngayon. Mahigit isang taon din kaming hindi nagkita dahil ang Esmeralda na nakasama ko ng ilang buwan sa dormitorio at La Concordia ay ibang tao. Ang kanyang kakambal si Celestina Figuero o mas kilala sa pangalang Celestine.

Katulad ko'y may masalimuot din itong buhay pag-ibig. Nakaraang taon ng gabi ay nagkaroon ng kaguluhan sa San Carlos. Iyon na rin ang huling araw na nakita sina Celestine at ang novio nito na si señor Simoun Pelaez na galing sa kaaway nilang angkan. Pumanaw ang novio nito at kahit kalian ay hindi na nakita ang binibining naging malapit din sa akin. Ang iniisip ng iba'y baka bumalik ito sa kinalakihan nitong mga magulang dahil sa labis na galit at hinagpis na nararamdaman para kay Don Rafael Figuero. Pero mas maraming naniniwala na si Celestine Figuero ay pumanaw na rin. Na marahil ay lumubog ang katawan nito sa kailaliman ng lawa ng talon kung saan nakita ang labi señor Pelaez Ang talon na nagsilbing tagpuan nila noon.

Una Eternidad en el CorazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon