Capitulo Cinco

188 14 1
                                    



Capitulo Cinco




"ANASTASIA, pumunta ka nga rito!"

Binitawan ko ang librong binabasa ko at nagmadali akong lumabas ng aking silid. Base sa boses ni Mama'y kakailanganin niya ang aking tulong. Binilisan ko ang aking paglalakad hanggang sa makarating ako sa salas. "Ano iyon, Mama?" Nawala ang aking pag-aalala nang makita ko si Mama na nakaupo sa sopa habang umiinom ng tsaa kasama si Florenzo.

"Hijo, nandito na si Anastasia." Ngumiti sa akin si Mama. "Nagpaalam si señor Encarnacion sa akin na kung maaari'y isama ka niya sa paglilibot."

"Naku, Mama! Hindi ko siya masasamahan. May kailangan pa akong tapusin sa aking silid."

"Kuu! Hija, maaari mo namang tapusin mamaya ang iyong binabasa. Ilang araw ka nang nagkukulong sa iyong silid kaya marapat lamang na ika'y lumabas-labas upang makatamasa ng sinag mula sa haring araw ang iyong balat."

"Ngunit—"

Binaling ni Mama ang tingin kay Florenzo. "Señor Encarnacion, ikaw na ang bahala sa aking unica hija."

"Makakaasa po kayo, Doña Constanza."

"Mama, hindi ako sasama kay señor Encarnacion."

Sabay na tumayo sina Mama at Florenzo. Parang walang narinig si Mama mula sa akin. "Bueno, huwag kayong magpapagabi."

"Opo, Doña Constanza."

"Mama!"

"Kuu! Anastasia, kay ganda ng panahon kaya kayo'y umalis na." Marahan pa akong tinulak ni Mama kaya nakasimangot akong naglakad palabas ng bahay.

Hindi ako nagsasalita habang kami'y naglalakad. Ganoon din naman si Florenzo. Kung titingnan, parang may kasama kaming anghel sa sobra tahimik naming dalawa. Sino namang tao ang matutuwang makipag-usap sa lalaking ito? Hindi ko alam kung alin sa mga kinikilos ko ang hindi nagpapakita ng pagkadisgusto ko kay Florenzo. Hayag-hayagan ko namang pinapakita iyon sa kanila ngunit heto pa rin sila, pinipilit akong makipaglapit sa taong ito.

"Baka mamatay lahat ng bagay na nabubuhay dahil ika'y labis na nakasimangot."

"Ayos lamang iyon sa akin lalo na kung ikaw ang mauunang malagutan ng hininga."

Eksaheradong napasapo sa dibdib si Florenzo. "Napakasakit naman ng iyong sinabi, señorita Realonzo."

Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang sinabi at nagpatuloy ako sa paglalakad. Tunay nga'ng maganda ang panahon at magandang maglakad-lakad. Pero mas pipiliin kong, ako na lamang mag-isa ang maglibot dito sa aming hacienda kaysa kasama ang ginoong ito na hindi naman maginoo.

"Señorita Realonzo, nais lamang kitang ilibot dito sa inyong hacienda upang ika'y makapaglibang. Wala naman akong masamang intensyon sa iyo para hilingin mong ako'y mamatay na."

"Masaya na ako sa aking binabasa. Ngunit nang dahil sa nais mo'y hindi ko kaagad matatapos ang librong iyon." Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "Kung itong ginagawa mo ay parte ng plano mo para kontrolin ang aking buhay, p'wes hindi iyon gagana."

"Wala naman sa aking isipan ang pagplanong kontrolin ang iyong buhay nang ika'y aking ipagpaalam kay Doña Constanza. Hindi ko alam na ikaw pala itong kung ano-ano ang iniisip." naiiling na sabi ni Florenzo.

Naningkit ang aking mga mata. Ako pa ang nasabihang kung ano-ano ang iniisip. Kuu! Ang lalaking ito na hindi maginoo. Tunay na nakakapang-init ng ulo. "Kaya ko lamang iyon naiisip dahil iyon ang nais mo, hindi ba, señor Encarnacion?"

Una Eternidad en el CorazonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon